PANATAG ANG LOOB KAPAG BAKUNADO-PNP

ISA sa magandang epekto ng pagiging bakunado at kapanatagan ng loob at isipan.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police-Health Service Director Brig.Gen. Luisito Magnaye.

Aniya, bukod sa protektado ay tataas ang confidence level ng indibidwal na nabakunahan kontra COVID-19 batay sa kanyang karanasan.

Aniya, nakasanayan na ang dobleng pag-iingat at pagsunod sa health protocols subalit nadagdan pa ang peace of mind mula nang mabakunahan.

Si Magnaye ang unang police official na binakunahan sa PNP noong Marso 1 nang isagawa ang simultaneous nationwide symbolic vaccination.

Magugunitang Pebrero 28 nang dumating kauna-unahang COVID-19 vaccines sa bansa na Sinovac mula sa China.

Gayunpaman, paglilinaw ng heneral, tuloy pa rin ang pagsunod sa minimum health protocols gaya ng madalas na disinfectant, pagsusuot ng facemask at maglayo-layo upang matiyak na makaiiwas sa virus at anomang sakit. EUNICE CELARIO

4 thoughts on “PANATAG ANG LOOB KAPAG BAKUNADO-PNP”

Comments are closed.