IGINIIT ni University of the Philippines (UP)- Los Baños professor Antonio Contreras na dapat nang magtalaga ng Department of Health Secretary si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y dahil hanggang sa ngayon wala pang kalihim ng kalusugan ang bansa.
Ayon kay Contreras, dapat magtalaga na ang Pangulo ng kalihim upang ipakita kung gaano nito kaprayoridad ang pampublikong kalusugan.
Giit nito kung talagang nais ng Presidente si DOH Officer in Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire, italaga na muna niya ito bilang kalihim kung naghihintay ito na may italaga na natalo sa eleksyon na hindi pa pwede sa ngayon. DWIZ882