PANAWAGAN NG BBM-SARA UNITEAM SA CHED: PLANONG PAGTAAS NG TUITION IPAGPALIBAN

BBM - SARA 5

NANAWAGAN ang BBM-Sara UniTeam sa Commission on Higher Education (CHED) na ipagpaliban nito ang nakaumang na pagtaas ng tuition na inaprubahan nito kamakailan para sa 56 na Higher Education Institutions (HEIs) ngayong academic year 2021-2022 sa gitna ng kasalukuyang pandemiya ng Covid19.

Ayon kina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at sa kanyang ka-tandem na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte, ang pagtaas ng tuition ay lalo lamang makakadagdag sa paghihirap na dinaranas ng mga pamilyang Pilipino dahil sa pandemiya.

“We are appealing to CHED to consider suspending the scheduled increase.  There are still a lot of families struggling even at this juncture of the pandemic.  Allowing the hike in tuition and miscellaneous fees will be an added burden on families whose finances have not yet fully recovered.  This may even lead them to stop sending their kids to school altogether,” panawagan ng UniTeam.

Ayon sa inilabas na memorandum ng CHED noong Disyembre 6, 2021, pinayagan ang 56 na pribadong HEIs na magtaas ng tuition at iba pang school fees.

Ang nasabing memorandum ay naipadala na sa mga opisyales ng CHED, sa mga regional offices nito, at sa mga presidente ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa buong bansa.

Pinaliwanag ni CHED Chairperson J. Prospero De Vera III na ang pag-apruba sa tuition hike ay naaayon sa guidelines ng CHED para sa recalibration ng Miscellaneous and Other School Fees (MOSF) na base sa ulat ng 15 iba’t ibang CHED Regional Offices (CHEDRO) at sa Commission en Banc Resolution noong Nobyembre 9, 2021.

“We understand that private education institutions also need to generate revenues to sustain their operation.  However, we still need to consider the capacity of a student’s family to pay the added fees.  Let’s consider the situation of those who are hard-pressed due to the pandemic,” tugon naman ng UniTeam.

Ayon sa listahan ng CHED, 14 na HEIs sa National Capital Region (NCR) ang pinayagang magtaas ng kanilang tuition at iba pang school fees.

Makikita rin sa listahan ang bilang ng mga HEIs sa iba’t ibang rehiyon na pinayagang magtaas: sa Rehiyon 1, walo; Rehiyon III, pito; Rehiyon IV, tatlo; Rehiyon V, lima; Rehiyon VI, apat; Rehiyon VII, isa; Rehiyon IX, isa; Rehiyon X, siyam; Rehiyon XI, tatlo; at sa CAR, isa.