PANAWAGAN NG CARITAS MANILA: DONASYON, DASAL SA MGA BINAGYO

Father Anton Pascual

NANAWAGAN  ng pana­langin at donasyon sa publiko ang Caritas Manila  para sa mga survivor ng bagyong Ompong, na nanalasa sa Luzon nitong Biyernes at Sabado, partikular na sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Ang Caritas Manila, na social action arm ng Archdiocese of Manila, ay pinamumunuan ng Executive Director nito na si Father Anton Pascual, na siya ring pangulo ng church-run Radio Veritas.

Ayon sa Caritas Manila, anumang donasyon, maging cash at in kind, ay malaking tulong para sa mga nabiktima ng bagyo.

Partikular  na  kaila­ngan ng mga biktima ay mga food item tulad ng noodles, canned goods, dried fish, mga ready-to-eat items, pagkaing mada­ling iluto at ihanda at tubig.

Kinakailangan din ng mga residente ng mga non-food items tulad ng hygiene kits, banig, kumot, tuwalya, damit at mga bagong underwear.

Ang in kind na items ay maaaring dalhin sa punong tanggapan ng Caritas Manila na matatagpuan sa 2002 Jesus Street sa Pandacan, Manila, habang ang cash donations naman na maaaring gamitin para sa pagbili ng mga gamit sa pagkukumpuni ng kanilang nasirang mga tahanan, ay maaaring ideposito sa  bank accounts ng Caritas Manila, Inc. (account name) sa Banco De Oro (BDO) sa Savings Account No. 5600-45905; BPI Savings Account No. 3063-5357-01; Metrobank Savings Account No. 175-3-175069543; at anumang Cebuana Lhuiller branch.

Una nang sinabi ng Caritas Manila na nagpadala na sila ng kabuuang P1 milyong donasyon sa limang diyosesis na pinakaapektado ng bagyo, kabilang dito ang Batanes, Tuguegarao, Ilagan, Laoag, at Tabuk, na pagkakalooban ng tig-P200,000.   ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.