(Panawagan ng DA sa hog raisers) MGA ALAGANG BABOY PABAKUNAHAN

INIANUNSIYO ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na nakatakda na ang controlled roll out ng bakuna kontra sa sakit na African Swine Fever (ASF) sa 3rd Quarter ng taong kasalukuyan, kung kaya hinikayat nito ang mga hog raiser na  magboluntaryo na pabakunahan na  kontra sa naturang sakit ang kanilang  mga alagang baboy upang mapag- aralan ang epekto ng vaccine  na magtitiyak ng tuloy tuloy  na produksyon ng karne  at posibleng magpababa ng presyo nito  sa merkado.

“The Department of Agriculture is taking initiative to combat African Swine Fever(ASF) to vaccine procurement pending an approval and registration of the Department of Health (DOH) Food and Drug Administration (FDA).We anticipate these vaccines to include  those from Vietnam will soon to be rolled out by the Bureau of Animal Industry (BAI).BAI’s finalizing guidelines with the agricultural and veterinary stakeholders for the controlled use of vaccines.With public consultation to follow.The controlled roll out is set for the 3rd quarter of 2024 by enticing eligible  commercial farms, semi commercial enterprizes, and clustered backyard farms that are very important,”sabi ni Tiu-Laurel.

Sinabi pa nito na ang naturang controlled  vaccine  roll out kontra ASF ay boluntaryo lamang.Pag aaralan pa rin muna  ng BAI ang pagiging epektibo nito bago ito tuluyang iiendorso ng naturang ahensya sa FDA kung  maaari ng magamit for commercial use ng  hog raisers.

Nagpasalamat din siya sa FDA sa mabilis  na pag-aksyon sa bakuna kontra sa ASF.

Samantala, kinumpirma naman ni Director General (DG) Manager Dr. Samuel Zacate ng FDA na  pinayagan na ang paggamit ng Avac ASF live vaccine, pero lilimitahan lamang ito para magamit ng DA-BAI sa ilalim ng “strict monitoring” at taunang pag-eevaluate sa epekto nito  sa loob ng dalawang  taon  lamang.  “I confirm that the vaccine Avac ASF live vaccine with certificate of product registration monitored release for restricted use.The restricted use can only be used by the Department of Agriculture, Bureau of Animal Industry.This is with registration number VR-7770 issued last June 11, 2024.This is valid for two years subject to strict monitoring  and annual evaluation,”sabi ni Zacate.

Bukod dito may mga kondisyon pa umanong hinihiling ang FDA bago ito tuluyang magamit for commercial use.Nais umano nitong siguraduhin na lahat ng produktong pang beterinaryo ay ligtas sa mga hayop magaing sa mga tao man.

Ayon kay Zacate, ang unang kaso ng ASF sa bansa ay naitala ng taong 2019.”At present, the Philippines is still actively recording cases of African Swine Fever which continuesly affects some of our hog raisers.well, given the situation, access to ASF vaccine pose a strong necessity to the hog industry,”dagdag pa ni Zacate.Kaya nagpahayag ito ng suporta sa paglaban sa naturang sakit ng mga baboy.

Tinatayang kakailanganin  ng inisyal na  600,000 doses para sa 600,000 growers at fatteners.Ang schedule  ng pagbibigay nito  ay depende sa availability ng bakuna lalo na at ang stocks lamang ngayon ng Pilipinas ay 150,000 doses lamang.Sa ngayon  ayon kay Laurel ay  iisa pa lamang ang accredited supplier ng Pilipinas  at iyon ay ang AVac ng Viet­nam.

Maaring ang  Bata­ngas at  Mindoro ang unahin kung saan may isyu ng ASF.

Tiniyak ni Zacate na  ang Avac ay dalawang taon nang sumasailalim sa clinical trials.

Ma. Luisa Macabuhay-Garcia