NGAYONG nagsimula na ang online classes sa mga pampublikong paaralan ay nanawagan ang Department of Education (DepEd) sa mga magulang na huwag sagutan ang work sheets ng mga estudyante.
Sinabi ni Education Undersecretary Tonisito Umali, dapat na gabayan ng mga magulang ang mga anak sa pagkatuto.
Malaki ang gampanin ng mga magulang sa bagong paraan ng pag-aaral ng kanilang mga anak, subalit hindi ito nangangahulugang sila na ang aako sa mga gawain ng mga bata sa eskuwela.
May sistema ang mga eskuwelahan para malaman kung naiintindihan ng mga estudyante ang aralin.
Kasama sa ipinatutupad na distance learning ang paggamit nf modules, online classes, telebisyon at radyo.
Comments are closed.