(Panawagan ng DICT) GOV’T AGENCIES VS CYBER THREATS

DICT-2

PANAWAGAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa mga ahensya ng pamahalaan na  protektahan ang kanilang mga ahensya sa pag-atake sa cyber threats sa bansa.

Ayon kay DICT Assistant  Secretary Allan Cabanlong, napapanahon na para gumawa ng hakbang ang mga ahensiya ng pamahalaan para protektahan ang kanilang mga tanggapan laban sa banta ng cyber.

Sinabi ni Cabanlong na kabilang sa mga ahensya ng pamahalaan na prayoridad na dapat i-secure ang seguridad at hindi mapasukan ng cyber threat ang Office of the President, Department of Finance (DOF), Department of Energy (DOE0, Department of Fo­reign Affairs (DFA), National Security Council (NSC), Department of Budget and Ma­nagement (DBM), Presidential Communication and  Operation Office (PCOO), National Intelligence Agency (NICA), at Department of National Defence (DND).

Sinabi pa ni Cabanlong na hindi lamang sa cyber threat sa labas ng bansa ang mahigpit na binabantayan ng DICT kundi ang banta sa loob man ng bansa para pangalagaan ang mga ahensya ng pamahalaan at mga pribadong kompanya.

Ayon pa sa naturang opisyal malaki ang tulong ng  Media sa pasilidad ng gobyerno sa bansa, isa sa matindi ay ang banta ng hacking ng mga indibidwal o grupo man dahil magagamit ito para sa propaganda at pananabotahe.

“Media is the biggest facilities of the government, ‘di dapat ito naha-hack”  ani pa ni Cabanlong.

Sinabi pa ni Cabanlong na may nakatakdang Cyber Security Summit upang mas higit na maprotektahan ang mga ahensya ng gobyerno laban sa hacking.

Kaugnay nito tiniyak ng DICT na hindi mangyayari ang pinangangambahang security breach sa pagpasok ng Mislatel sa bansa.

Ayon pa kay Cabanlong  pangunahing concern ng ­gobyerno ay ang Cyber Security ng bansa ito ang pangunahing polisya ng pamahalaan dag-dag pa nito. PAULA ANTOLIN

Comments are closed.