PANAWAGAN NG DOTr: BEEP CARDS ILIBRE SA COMMUTERS

BEEP CARD

NANAWAGAN si Transportation Secretary Arthur Tugade sa AF Payments Inc., ang consortium na nag-ooperate sa automatic fare collection system na ginagamit sa Metro Manila rail systems at sa EDSA Busway, na ibigay na lamang nang libre ang reloadable stored value ‘Beep’ cards sa mga commuter.

Ito ay sa harap ng pagpapatupad ng Department of Transportation (DOTr) ng ‘no Beep card, no ride’ policy sa mga pampublikong bus sa layuning mabawasan ang contact sa mga pasahero at driver at maiwasan ang COVID-19 transmission.

Ayon kay Tugade, kailangang magbayad ang mga commuter, na hindi pa nakakabangon mula sa mga epekto ng pandemya, ng karagdagang P30 hanggang P50 para sa presyo ng Beep card bukod pa sa paunang fare load.

“Dapat libre lang ang card. We are still under quarantine measures.  Workers who have just returned to work are the main users of the rail system and the EDSA Bus-way. Malaking bagay para sa mga ordinaryong manggagawa ang P30-P50 na ikakaltas para bayaran ang card ng Beep. Pasahe din ‘yun. They should be spared from the burden of having to pay the price of the beep card on top of their fares,” sabi ng Transportation chief.

Comments are closed.