(Panawagan ng DSWD) VOLUNTEERS PARA SA TULOY TULOY NA PRODUKSYON NG FFPs

MULING nanawagan ang Department of Social Welfare and Deve­lopment (DSWD) ng mga volunteer upang tumulong sa produksyon ng family food packs (FFPs) para sa patuloy relief operations sa mga Kanlaon-affected families sa Negros.

Ayon kay VDRC Officer-In-Charge Jun Eso, kailangan ang tulong ng volunteers para umagapay sa produksyon ng FFPs sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Mandaue, Cebu.

Matatagpuan ang VDRC warehouse sa Wicker and Vine compound, B. Suico Street, Upper Tingub, Mandaue City na nagsisilbing main production hub ng DSWD para sa Visayas at Min­danao regions.

Plano nitong makapag-produce ng hindi bababa sa 100,000 boxes of FFPs kada araw upang patuloy din na maipamahagi sa mga nasalanta o apektado dahil sa bulkang Kanlaon.

Sa mga nagnanais na tumulong, maaaring makipag-ugnayan kay  Anniebelle Diaz, at tumawag sa mobile number 0961-7211127.

P ANTOLIN