(Panawagan ng DTI) COVID-19 TESTING SA PRIVATE FIRMS

DTI Secretary Ramon Lopez-3

NANAWAGAN si Trade Secretary Ramon Lopez sa mga pribadong kompanya na magsagawa ng COVID-19 testing para sa kanilang mga emoleyado nang sa gayon ay makapagbukas na ulit ang mga negosyo sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Lopez, ang pribadong sektor ay maaaring magtayo ng sarili nilang COVID-19 testing facilities upang mapalakas ang testing capacity ng bansa.

“Malaki ang maitutulong ng private sector para makabalik din sila sa operation nila. They can do their testing. They can invest on these testing facilities with the guidance of DOH (Department of Health),” ani Lopez.

Naunang sinabi ng national government na target nitong magsagawa ng 8,000 hanggang 10,000 COVID-19 tests sa katapusan ng Abril.

“By increasing the testing capacity,  it would help them come up with the possible lifting or downgrading of the enhanced community quarantine,” ani Lopez.

Binigyang-diin ng health officials na makatutulong ang testing sa pagtukoy sa virus carriers na kailangang i-isolate para hindi na makapanghawa pa.

Daan-daang negosyo ang napilitang pansamantalang magsara makaraang isailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Luzon sa lockdown noong Marso 17 upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19. Nakatakdang magtapos sa Abril  30, ang  lockdown ay pinalawig hanggang sa Mayo 15 sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa.

Comments are closed.