(Panawagan ng gobyerno) 12-HOUR OPS SA GROCERIES, WET MARKETS

Groceries

DAPAT mag-operate ng 12 oras ang groceries, wet markets, pharmacies, at iba pang retailers na naghahatid ng mahahalagang serbisyo sa gitna ng ipinatutupad na Luzon-wide enhanced community quarantine dulot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

“Supermarkets, public and private wet markets, grocery stores, agri-fishery supply stores, pharmacies, and other establishments engaged in the business of selling basic necessities are strongly encouraged to extend store operating hours to a maximum of 12 hours,” wika ni Nograles sa  Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) virtual press conference.

Aniya, bahala na ang local government units na magpatupad ng sistema para masunod ang social distancing sa extended store hours.

“The LGUs can do it by having a schedule by sector, per barangay, per purok, as the case may be,” ani Nograles.

Nauna nang inirekomenda ni Trade Secretary Ramon Lopez sa IATF ang pagpapalawig sa store hours upang mabigyan ang publiko ng karagdagang oras na bumili ng pagkain at iba pang produkto.

Ayon kay Lopez, ang pinaikling operating hours ng ilang supermarkets ay nagreresulta sa pagsisiksikan ng mga mamimili na taliwas sa physical distancing na ipinatutupad ng pamahalaan para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

“’Pag iniklian ang store hours nagkukumpol ang mga tao kasi kaunti na lang ang window hours nila para mamili kaya importante na…mas mahabang oras lang sa pamimili para ‘di maipon ang tao,” wika ni Lopez sa isang virtual press briefing.

Comments are closed.