NANAWAGAN sa publiko si House Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., na tumulong na itaas ang morale ng Filipino athletes na sasabak sa 30th Southeast Asian Games.
Ayon kay Pichay, ang bansa ay haharap sa giyera ng sports ngayon kaya kailangan ng pagkakaisa ng lahat.
Sinabi ni Pichay na kung hindi magkakaisa ang mga Filipino ay tiyak na hindi makakamit ng bansa ang goal na manalo sa laban.
Giit ng kongresista, hindi solusyon ang batuhan ng sisi sa SEA Games at hindi rin ito makatutulong para itaas ang spirit ng bansa at ng mga atleta.
“Hangga’t maari ay itigil na ang blame game ng mga politiko at sa halip ay umisip ng solusyon sa mga problema para sa reputasyon ng bansa,” dagdag ni Pichay.
Comments are closed.