PANAWAGAN NG LCSP: NO CONTACT TRAFFIC APPREHENSION ISABATAS

patnubay ng driver

GOOD day, mga kapasada! Karaniwang bati po ng pitak na ito sa inyong lahat na mga kapasada, masaya, ligtas at nasa wastong kalusugan pa rin kayo sa kabila ng ating malupitna kaaway, ang COVID-19. Stay safe, mga kapasada at kung hindi naman kailangan, huwag na muna tayong lumabas ng ating mga tahanan upang hindi mahawa sa nakamamatay na sakit.

Mga kapasada, matindi po ang paghahangad ng commuters at transport group sa mabilis na pagsasabatas sa ‘no contact traffic apprehension, policy sa kalakaran ng ating mga pagsisikap na gumulong sa mga lansangan para kumita kahit papaano na makatutulong sa pangangailangang panghapag kainan ng mag-anak. Ang layunin po ng LCSP sa kanilang pagsusulong para mapabilis ang pagsasabatas ng naturang adhikain ay para sa ikabubuti ng lahat ng sangkot sa transport industry.

Sakali pong magtagumpay ang layuning ito ng commuters at transport group, panawagan po ng Aklat Patnubay sa ating mga kapasada na igalang naman po sana natin ang kapakanang ipinaglalaban ng naturang samahan para sa ikabubuti ng ating mga  kapasada. Iginigiit po ito, mga kapasada, ni Atty. Ariel Inton, commuter at transport advocate at founder ng Lawyers for Commuter Safety and Protection (LCSP), para na rin sa kabutihan ng publiko. Ayon kay Atty. Inton, para sa lahat sakaling mapagtibay ang kanilang ipinaglalabang panawagan na maging batas ang no contact apprehension ay malalagay sa wastong perspective ang industriya. Giit ni Atty. Inton na dahil sa ‘no contact’, tiyak namawawala ang pangongotong sa lansangan ng mga tiwaling traffic  enforcer at magkakaroon ng disiplina ang pasaway na mga drayber.

Samantala, binigyang-diin ni Atty. Inton na para maging matagumpay ang adhikaing kanilang ipinananawagan, may ilang ilang mekanismo na dapat ipatupad. Kapani-paniwala at malaking pakikinabang ang matatamo ng  mga kinauukulan sakaling ang layuning kanilang ipinaglalaban ay magtagumpay. Sinabi ni Inton na kapag wala ang mekanismong ito, madalas na hindi ang drayber ang maparurusahan kundi ang may-ari ng sasakyan na wala namang kinalaman sa nagawang kasalanan ng mga pasaway na drayber. Ayon sa paliwanag ni Atty. Inton, sa kanilang mga pagpupulong ay dumaraing ang mga operator ng sasakyan, lalo na ang taxi at bus, dahil sa paraang no contact apprehension, ang nakukunan ng CCTV o digi cam ay plate number ng sasakyan at sa address ng registered owner ipinadadala ang notice of violation. Kapag hindi nabayaran ang multa ay hindi maire-renew ang rehistro ng sasakyan na ang nagigipit ay ang operator, paglilinaw pa ni Atty. Inton ang malimit na problema, ayon pa kay Inton, ay matagal umano bago dumating ang notice hang-gang sa iwanan ng drayber sa operator ang malaking halagang hindi nabayaran sa  no-contact penalty. Sa isang hiwalay na panayam, sinabi ni Inton na ang kanilang hinaing na ipinaglalaban ay suportado ng lahat ng transport at commuter groups kaya malakas ang kutob ng LSCP founder na ang panukalang kanilang isinusulong ay magtatagumpay.

BUHOL NG TRRAPIKO PAANO MAIIWASAN NG MOTORISTA

Paano nga ba maiiwasan ng motorista ang buhol ng trapiko sa mga pangunahing lansangan? Ipinahayag kamakailan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang katotohanan na hindi maikakaila na ang kondisyon ng trapik sa Kalakhang Maynila ay lalong lumulubha taon-taon. Dahil dito, maraming mga Filipino ang hindi maiiwasang mainis  at mapagod sa pagbiyahe lalo na sa kahabaan ng EDSA. Payo ng MMDA na tayo ay maging pasensyoso dulot ng mabigat na daloy ng trapiko. Kabilang sa mga payong pangkaunlaran na ipinababatid ng MMDA sa mga commuter at mga may-ari ng sasakyan na gumamit ng mga modernong electronics o gadget sa pagbibiyahe upang makatiyak na ang kalsadang tatahakin ay ligtas sa buhol ng trapik. Kabilang sa mga payong pangkaunlaran na ipinababatid ng MMDA sa commuters at mga may-ari ng sasakyan ay ang mga sumusunod:

KAPAG MAY BABALA

Huwag nang luimabas ng bahay kapag may babala (notice) ang MMDA ng heavy traffic kagaya ng may darating na bagyo at special holidays. Kumg ikaw ay may sasakyan, marapatin ninyo na huwag nang bumiyahe gamit ang malaking sasakyan  upang mabawasan ang volume ng sasakyan sa lansangan.

MAG-CARPOOL

Kung kayo ay lalabas ng isang grupo gamit ang higit sa dalawang sasakyan, mas mabuting mag-carpool na lamang kung saan gagamit ng isang sasakyan para sa lahat at nang hindi makadagdag sa malaking volume ng sasakyan sa Maynila. Matutugunan mo pa ang conservation ng gasolina at bawas pa sa nakalalasong polusyon.

GUMAMIT NG MMDA PHONE APP

Gamit ang app na ito, malalaman mo kung anong lugar sabandang Taft, EDSA, SLEX ang may mabigat na daloy ng trapiko nang sa gayon ay maiwasan mo na rin ang dumaan sa mga lugar na iyon na buhol ang lagay ng trapiko.

GUMAMIT NG MRT PHONE APP

Kung ikaw ay sumasakay sa tren, makatutulong sa iyo ang paggamit ng MRT app na nagpapakita ng live streaming ng CCTV ng MRT station upang maiwasan ang istasyon ng tren na mahaba ang pila.

GUMAMIT NG WAZE PHONE APP

Ayon sa MMDA traffic enforcer na nakapanayam, ito ay isang magandang app ng phone na nagsasabi ng anong kalsada ang dapat iwasan kapag ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan. Malalaman mo rito kung saan ang mga kalsadang may nagaganap na traffic accident, at kung saan sadyang maraming mga dumaraang sasakyan na sanhi ng mabigat na trapik.

GUMAMIT NG EASY TAXI APP O ‘DI KAYA NAMAN AY GRAB TAXI

Kung ikaw ay magtataksi, laging maging handa. Kumuha ng taxi sa pamamagitan ng pagamit ng phone app. Sa ganitong paraan maiiwasan ang buhol ng trapiko, magiging higit na madali ang pagbibiyahe at makararating sa wastong oras sa patutunguhan.

PAG-ARALANG MABUTI ANG ORAS NG LABASAN NG MGA TAO

Maging alisto.  Pag-aralang mabuiti ang oras ng labasan ng mga tao at ang kanilang pagdagsa sa pampublikong sasakyan at huwag makikisabay sa oras ng kanilang labasan sa pinapasukang establisimiyento o tanggapan. Maaari kayong maglaan ng oras para sa ibang bagay kagaya ng paggo-grocery o pagtapos ng iba pang urgent na trabaho habang naghihintay ng paghupa ng mabigat na daloy ng trapiko.

PAGGAMIT NG COURIER

Kung mayroon kang dadalhin sa iyong kaibigan at katrabaho, maaari mo na lang ipadala ito sa mga kakilala ninyong courier. Araw-araw sila ay naglilibot upang iabot ang sulat o ‘di kaya naman ay mga kagamitan. Iyan at marami pang iba ang pinagsisikapang iparating ng MMDA sa mga commuter at car owners bilang public service sa layuning maibsan kahit papaano ang pagbubuhol ng trapik sa Kalakhang Maynila.

LAGING TATANDAAN:  UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!

5 thoughts on “PANAWAGAN NG LCSP: NO CONTACT TRAFFIC APPREHENSION ISABATAS”

  1. 798570 429513I just couldnt depart your site prior to suggesting that I incredibly enjoyed the standard details an individual offer for your visitors? Is gonna be back regularly as a way to inspect new posts 953530

Leave a Reply

Your email address will not be published.