(Panawagan ng Obispo) VOTERS GABAYAN SA PAGPILI NG KANDIDATO

NANINIWALA si Parañaque Bishop Jesse Mercado na hindi dapat manahimik ang Simbahang Katoliko sa mga mahahalagang usapin tungkol sa May 9 national at local elections upang hindi magresulta na maling mga opisyal ang mamahala ng bansa.

“It is important to guide the faithful in scrutinizing the character of every candidate for the good of all, especially for the future generation. The Church must not be silent on important issues that may result in the election of the wrong people to lead the country,” diin ni Bishop Mercado.

Nauna nang sinabi ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace na dapat ay manatiling non-partisan sa pulitika ang Simbahang Katoliko bagamat suportado nito ang malawakang voter’s education.

Pero para kay Bishop Mercado, ang panghihikayat at pag-alalay sa mga botante na pumili ng tamang mga kandidato ay ang bagong kahulugan ng pagiging non-partisan politics ng Simbahan.

“We should accompany and encourage our people to make the right choices in the May polls. This is our new understanding of what non-partisanship is,” dagdag nito.

Giit ni Bishop Mercado, dapat na malinaw sa mga botante kung paano susuriin ang pagkatao at kakayahan ng bawat kandidato dahil nakasalalay rito ang kinabukasan ng bagong henerasyon. Jeff Gallos