GOOD day, mga kapasada! As always, stay safe. Huwag kalilimutan, kung lalabas ng tahanan, magsuot ng face mask, face shield at kung maiiwasan, stay at home at sundin ang proper health protocols. God bless, mga kapasada. Sa atin pong isyu ngayon, bigyan naman po natin ng puwang sa ating pahina ang panawagan ng mga transport group sa Inter-Agency Task Force (IATF) na isama naman sila sa mga prayoridad na bibigyan ng libreng bakuna laban sa COVID-19.
Sa pamamagitan ng liham na ipinarating ni Atty. Vigor Mendoza II, chairman ng Kilusan sa Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon (KAPIT), personal silang humingi ng tulong kay Presidential Adviser on the Peace Process at (IATG) Chief Implementer Carlito Galvez Jr. “Kami po ay humihingi ng inyong tulong na sana masamasa prayoridad ang mga transport worker sa libreng bakunang alok ng pamahalaan laban sa COVID-19,” nakasaad sa. Idinagdag ni Mendoza na ang transport workers ay kumakayod araw-araw upang maghatid ng mga mananakay sa kani-kanilang mga patutunguhan, kasama na rito ang mga health worker. Sinabi ni Mendoza na “kung ang transport workers ay mahawa ng COVID, hindi lamang mahihirapan ang mga commuter sa kanilang paglalakbay, malaki rin ang posibilidad na sila ay makahawa sa iba”, paliwanag ni Mendoza. Ang panawagan ay sinuportahan naman ng iba’t ibang transport groups. Ang suporta ay ipinagkaloob ng naturang mga grupo dahil sila man ay naniniwala na ang mga transport worker ay maibibilang din sa hanay mga frontliner kung ang pagbabatayan ay ang uri ng serbisyong kanilang ipinagkakaloob.
ANG KAHULUGAN NG BLOW BY ENGINE
Mahalaga pong paksa ang ating tatalakayin sa isyung ito ng Patnubay ng Drayber, mga kapasada. Ito, mga kapasada, ay may kinalaman sa simpleng katanungan na hindi naman po matatanggihang sagutin ng pitak na ito para sa kapakanan ng ating mga old and new driver. Ano po ba ang Blow By? Halos magkakaparehong tanong ng mga nagpadala ng text sa pitak na ito. Ayon po sa paliwanag ng ating kasangguning expert mechanic na si Jess Viloria, ang blow by ay naglalarawan sa kondisyon ng engine where combustion gases are ‘blowing by’ the piston rings, contratry to popular thoughts all engines kahit bago ay nagbubuga ng blow by gas. Ayon kay Jess Viloria, dito sa atin, kapag sinabing blow by na ang engine, loose compression na ito at kailangan na ang atensiyong mechanical. Gaya ng nabanggit, kung ito ay blow by na, kailangang ma-overhaul ang makina.
Sa madaling salita, ang kahulugan ng blow by ay:
- Loose compression ng engine.
- Usually, when this happened, nawawalan ng power ang engine. Mahinang bumatak ang makina at parang hirap sa pagtakbo.
- Malakas sa konsumo ng oil. Kailangang malimit tsekin at dagdagan ng oil kung kulang na ang level.
- Karaniwang busted ang engine kaya kailangang ma-overhaul o mapalitan ang makina.
SINTOMAS NG BLOW BY ENGINE
Ang unang sintomas kapag blow by na ang engine ay maraming puting usok na ibinubuga o lumalabas sa tambutso at dipstick, tumatagas, kumakain ng maraming langis at palyado ang makina. Upang makatiyak sa mabuting kondisyon ng engine, kailangang idaan ito sa compression test.
LOOSE COMPRESSION (GAS ENGINE)
Ang karaniwang dahilan ng loose compression ng gas engine ay gaya ng sumusunod:
- Over heating
- Worn out valve seals
- Worn out piston rings
- Edad ng sasakyan.
- Delayed oil change (malapot na ang langis at ‘di pa pinapalitan). At
- Driving habit (pabara-barang pagpapatakbo ng sasakyan).
ANO ANG DAHILAN NG ENGINE COMPRESSION LOSS
Isa sa mga palatandaan ng engine compression loss ay nasasakal sa cylinder kung saan ang air/fuel mixture ay pumapasok at pagkatapos ay nagsisiklab (ignited). Ang burning expanding gases ang nagtutulak sa piston. Ang kakayahan to confine this explosion in the cylinder ay sinusukat na kung tawagin ay compression. Ang leak out of the cylinder ay tinatawag na compression loss na nagpapahina sa lakas (power) ng output ng engine. Humihina ang hatak ng engine at hirap tumakbo na ang dahilan ay ang loss compression o pagkawala ng power. Tsekin ang gauge upang makita kung compression slowly drops at kung bumababa, nangangahulugan na may compression leak (tagas). Kung may dalawang cylinder side by side, that won’t hold steady compression, kung ganito ang mapapansin sa engine, malamang na problema ay blown head gasket or warped head. Mapapansin na magkakaroon ng another warp head kung mag-o-overheat ang engine. Kung gayon, maaaring gasket ang sira. Ang isa pang sintomas ng warp head blown head gasket ay ang coolant setting. Posibleng nakapasok ang oil sa cooling system. Check your oil dipstik upang matunton kung ang iyong coolant ay may halong tubig.
KARANIWANG SINTOMAS NG ENGINE LOOSE COMPRESSION
Ipinaliwanag ni Jess Viloria na ang karaniwang symptoms ng loose compression ng engine ay:
- Malakas kumain ng langis
- Nawawalan ng power ang engine (mahina ang hakbak).
- Madaling mag-overheat.
- Malakas sa konsumo ng gasolina.
- Bad emission (masama ang usok).
- More smoke emission on exhaust.
- Misfiring.
- Paiba-iba ang idling
- Maingay ang makina.
MAHINA ANG COMPRESSION NG MAKINA
Kung mapansin na mahina ang kompresyon ng makina, huwag namang kaagad na dadalhin sa auto shop. Maaaring makaiwas sa gastos ng pagpapatsek ng engine kung kayo mismo ang unang gagawa, do it yourself (DIY), ika nga.
Payo ni Jess, kapag mahina ang compression ng engine, maaaring ito ay:
- maluwag ang mga turnilyo ng takip ng silindero
- maluwag ang pagkakakabit o kaya ay sira ang gasket cylinder
- maluwag ang mga spark plug
- mahina o bali ang mga valve spring
- bukas ang tumatangan sa mga balbula.
- bukas ang mga pumipigil sa balbula dahil sa insufficient tappet clearance at
- sira, bali, mahina o naistak ang mga piston ring.
MGA ‘DI PANGKARANIWANG POSIBILIDAD
Ayon kay Jess, ang mga ‘di pangkaraniwang posibilidad ay:
- mali ang pagkakatayming ng mga balbula
- bali o mahina ang cam shaft o ang distributor driver gear
- basag ang cylinder block
- may tubig ang mga silindro
- malakas ang panloob na friction ng engine assembly, at
- bali o naipit ang parteng panloob ng clutch o kaya ay ng transmission.
NOTE: A WORD OF THANKS TO JESS VILORIA.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. HAPPY MOTORING!
232085 960483Excellent paintings! This is the kind of information that need to be shared about the web. Disgrace on Google for now not positioning this publish upper! Come on over and talk more than with my website . Thanks =) 119283
316063 153862There is noticeably a bundle to learn about this. I assume you produced specific nice points in features also. 486524
749837 846153if the buffalo in my head could speak german i would not know a god damm thing. What i do know is that the language of art is out of this world. 544900