(Panawagan ni Bongbong Marcos) BENEPISYO NG HEALTH WORKERS IBIGAY NANG BUO

Bongbong Marcos2

NANAWAGAN si da­ting senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pamahalaan na payapain ang tila pag-aaklas ng mga healthcare workers (HCWs) sa pamamagitan ng pagbigay hindi lang ng kanilang Special Risk Allowance (SRA) kundi maging ng iba pang benepisyong sa kanila’y nakalaan.

Sa isang panayam sa radyo, nagpahayag ng pagkabahala si Marcos matapos ianunsiyo ng     ilang grupo ng HCWs na magsasagawa ang mga ito ng mass resignation at kilos protesta dahil sa labis na pagkaantala ng kanilang mga benepisyo gaya ng Special Risk Allowance (SRA), Active Hazard Duty Pay (AHDP), at Meals, Accommodation and Transport (MAT).

Sinabi ng  grupong Alliance of Health Wor­kers (AHW) nitong Ling­go na magsasagawa sila ng mga walkout sa sampung pribadong ospital kabilang ang Chinese General Hospital sa Maynila simula sa Lunes.

Dagdag pa ng AHW, magkakaroon din ng mga walkout sa mga ins­titusyong pinapatakbo ng gobyerno gaya ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital at Research Ins­titute for Tropical Medicine (RITM).

“Maliban sa SRA na itinadhana ng Bayanihan Act, dapat lamang na agarang mabayaran ng buo kabilang dito ang hazard pay at Meals, Accommodation and Transport (MAT) benefits ng ating mga healthcare workers,” ayon kay Marcos.

Hinikayat din ni Marcos ang mga mambababatas na pabilisin ang pag-amyenda sa ilang probisyon sa Bayanihan Act na nagtatakdang ang SRAs at AHDPs ay eks­klusibong matatanggap lamang ng mga HCWs na direktang nag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID-19.

“Doon naman sa SRA at AHDP ay SANA ALL! Kaya nananawagan tayo sa ating mga mambabatas na sana madaliin ang pag-amyenda sa probisyon ng batas na nagsasaad lamang ng exclusivity para sa healthcare workers na direktang nag-aasikaso sa Covid19 patients,” dagdag pa ni Marcos.

Ayon pa kay Marcos lahat ng mga frontline HCWs ay sumusuong sa parehong peligro sa kanilang mga pinagtatrabahuhan at dapat lamang na tratuhin ng patas dahil sa mahalagang tungkulin nila na pag-aalaga ng mga may sakit sa panahong ito ng pandemya. Hinimok din ni Marcos ang DoH na pangunahan ang pagsasaayos sa kapakanan ng mga HCWs.

“Lahat ng taong ka­bilang sa healthcare work­force, mula doktor, nurse, hospital staff hanggang janitorial services at contact tracers ay pare-pareho ang peligrong kinahaharap na dulot ng COVID-19,” saad pa ni Marcos.

“Nararapat lang na­ting kalingain ang mga taong inaasahan nating kakalinga sa mga maysakit sa panahong tulad ngayon. At ang DoH ang dapat na manguna sa pagtataguyod sa kapakanan ng healthcare workers,” giit pa ni Marcos.

Sinabi ng DoH na naglaan na sila ng P311 milyong pondo para bayaran ang SRAs ng higit 20,000 HCWs ngunit ayon sa grupong Filipino Nurses United sadyang kulang ito dahil mayro­ong higit 1.8 milyong healthcare workers sa bansa.

Umaapela naman ang AHW ng ‘liberal na interpretasyon ng batas’ upang payagang mabigyan ng SRAs at AHDPs ang lahat ng healthcare workers.

Iginiit din ni Marcos na kailangan resolbahin agad ng pamahalaan ang isyu sa mga HCWs upang masigurong sapat ang bilang ng mga medical staff na mangangalaga sa mga pasyenteng may COVID-19 at para rin mapigilan ang pagguho ng buong healthcare system ng bansa.

Ayon pa sa datos na inilabas ng DoH noong nakaraang Linggo, nasa 75 porsiyento na ang occupancy rate ng mahigit 4,200 Intensive Care Unit (ICU) beds sa buong bansa.

“Kailangan nating ma­tiyak na sapat ang medical staff na mag-aalaga sa mga may sakit kaya’t hindi na sila dapat mabawasan pa dahil kung umabot sa sukdulan ang problemang idinaraing ng mga kawani sa mga ospital ay baka mag-collapse ang healthcare system sa ating bansa,” ayon pa kay Marcos.

Ayon pa kay Marcos, dapat maghanda na ang DoH na maglipat ng mga medical staff mula sa mga lugar na mababa ang kaso ng COVID-19 papunta sa mga pampublikong ospital na kinakapos sa tao.  Iminungkahi rin ni Marcos na kumuha ng karadagang medical personnel mula sa Medical Corps at medical reser­vists ng  Armed Forces of the Philippines (AFP).

Bilang pangmataga­lang solusyon, itinutulak ni Marcos ang pagpasa ng Medical Reserve Corps Act na kasalukuyang nakabinbin sa Senado.

7 thoughts on “(Panawagan ni Bongbong Marcos) BENEPISYO NG HEALTH WORKERS IBIGAY NANG BUO”

  1. 288396 816845hey I was quite impressed with the setup you used with this weblog. I use blogs my self so excellent job. definatly adding to bookmarks. 106580

  2. 51226 879865Id need to have to verify with you here. Which is not one thing I normally do! I take pleasure in reading a submit that will make individuals feel. Additionally, thanks for permitting me to remark! 264730

  3. 724368 271513Wow! This could be 1 particular with the most valuable blogs Weve ever arrive across on this subject. Basically Outstanding. Im also an expert in this subject therefore I can comprehend your effort. 794599

Leave a Reply

Your email address will not be published.