HINIKAYAT ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang IATF na payagan ang fully vaccinated Authorized Persons Outside of Residence (APORs) na nakatira sa locked-down areas na makagalaw.
“Let them go out for a living. And allow them to be with their families after work. It’s their daily routine to get through with this pandemic… financially and mentally,” ayon sa dating senador.
Ang apela ni Marcos ay makaraang ihayag ng IATF ang granular lockdown rules na ipinatupad sa National Capital Region (NCR) simula nitong Huwebes.
Ayon sa IATF, tanging health care workers at returning OFWs ang ikinokonsiderang APORs at papayagang maglabas-masok sa areas na naka- granular lockdown.
“Bakit pa sila tinawag na APOR kung hindi rin naman pala sila papayagang makalabas ng bahay, hindi ba’t yun naman ang kahulugan ng acronym na iyon? ” ayon kay Marcos.
Nitong Martes ay inihayag ni Interior Secretary Eduardo Año na ilalagay ang NCR sa Alert Level 4, ang ikalawa sa pinakamataas na klasipikasyon sa ilalim ng bagong IATF guidelines.
Hindi papayagang lumabas ng bahay ang mga tao sa ilalim ng Alert level 4 kasama na ang edad 18 pababa at mas matanda sa 65 anyos na may comorbidities, immuno compromised, at buntis, puwera kung bibili ng essentials o nagtatrabaho sa essential industries.
“Ang total lockdowns ay taliwas sa diwa ng pagkakaroon ng APORs at magiging inconsistent ang IATF kung ipipilit nila ito. Nakikiusap tayo sa IATF na hayaan ang mga fully vaccinated APORs na makalabas ng bahay sa mga lugar na may granular lockdowns,” ayon pa kay Marcos.
Nitong Martes, libong negosyante ang nagsumite ng joint manifesto na humihilling sa gobyerno na psyagang makagalaw ang mga bakunado upang sumigla abg ekonomiya.
“Malaking bagay rin na maipakita sa mga tao na maraming benepisyo ang pagkakaroon ng kumpletong bakuna upang maalis ang takot ng ilan at mahikayat na silang magpabakuna.”
Comments are closed.