(Panawagan ni Cardinal Tagle) NAKARARANAS NG PAGHIHIRAP IPANALANGIN

Cardinal Tagle

HINIMOK ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga taong nakararanas ng paghihirap lalo ang mga biktima ng tsunami sa Indonesia.

Ito ang naging laman ng homily ni Cardinal Tagle sa Christmas mass sa Manila Cathedral.

Ayon kay Tagle, nakiisa ang Simbahang Katolika at buong mundo sa panibagong paghihirap na dinaranas ng mga taga-Indonesia.

Sa gitna ng pagdiriwang sa kaarawan ni Hesu Kristo ay dapat panatilihin ang pagkakaisa para sa mga kapatid nating nasasadlak sa mga ma­tinding pagsubok.

Batay sa pagtaya ng Indonesian government, umabot na sa mahigit 400  ang nasawi sa tsunami sa Sunda Strait na naganap bago ang araw ng Pasko. DWIZ882

Comments are closed.