UMAPELA si Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde sa mga natalong kandidato at mga supporter nito na tanggapin ang resulta ng eleksiyon.
Ayon sa PNP Chief, tapos na ang eleksiyon at nagsalita na ang taumbayan kaya dapat respetuhin ang naging desisyon ng mga botante.
Hindi rin aniya makatuwiran na paratangan ang PNP na nasa likod ng pagkapanalo ng ilang mga dating pulis sa iba’t ibang lokal na posisyon.
Maging aniya si CIDG Director M/Gen. Amador Corpuz na ang asawa ay tumakbo at natalo sa lokal na posisyon ay biktima ng hindi patas na pambabatikos.
Pagdiriin ng PNP Chief, walang sinuportahang kandidato ang PNP at nanatili silang political sa nakalipas na halalan.
Giit ni Albayalde na sa napipintong pag-upo ng mga bagong halal na opisyal ng pamahalaan, panahon na para isantabi ang mga ‘political differences’ at magtulungan na lang para sa ikabubuti ng bansa. EUNICE C.