PANAWAGAN PARA SA EKSIBIT PROPOSAL

KWF-4

ANG FILIPINO Ito! eksibit ang kauna-unahang eksibisyon sa wika at kultura na binuo ng Komisyon sa Wikang Filipino na may layuning itampok ang yaman ng Filipino bílang wikang pambansa at ang taglay nitóng karunungan mula sa iba’t ibang katutubong wika sa Filipinas.

Itinanghal sa pamamagitan ng eksibit na tumatanggap ang wikang Filipino ng mga lahok na salita mula sa lumang Tagalog at mula sa ibá’t ibáng katutubong wika ng Filipinas.

Para sa 2020, malugod na hinihikayat ng KWF ang mga artist ng bayan na lumahok sa panawagan na magsumite ng eksibit proposal alinsunod sa tema ng Buwan ng Wika na Wika at Kasaysayan.

SINO ANG MAAARING LUMAHOK:

Mamamayáng Filipino, nakabase sa Filipinas, na exhibiting artist/s mulang iba’t ibang disiplina, lingguwista, mananaliksik, manunulat, kuwentista, makatà, at iba pang may karanasan sa pagbuo ng eksibit, ay hinihikayat na sumali.

PROSESO NG PAGPILI:

Makatatanggap ng pabatid na email ang mga proponent bílang kumpirmasyon ng kanilang lahok. Gamit ang mga blind proposal ay magkakaroon ng paunang pagsusuri ang lupon ng mga pilîng kinatawan ng KWF. Bibigyan ng pagkakataon ang mga proponent na mapapasáma sa shortlist na magbigay ng ka­ragdagang paliwanag hinggil sa kanilang proposal bílang tugon sa paunang puna ng lupon.

Ang Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang magsisilbing pinal na hurado sa deliberasyon ng mga shortlisted proposal. Ang mapipi­ling proposal ang magsisilbing opisyal na eksibisyon ng KWF para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2020 at ililibot sa iba’t ibang paaralan sa bansa.

Laman ng Proposal

  1. Pamagat ng eksibit
  2. Konsepto (800 -1,000 salita)
  3. Layout ng eksibit
  4. CV ng proponent (magpakita ng mga nagawang eksibit)
  5. Badyet (produksiyon ng eksibit)
  6. Iskedyul ng produksiyon
  7. Kontak

Responsabilidad ng proponent

  1. Tukuyin ang kabuuang konsepto, lalamanin, at direksiyong curatorial ng eksibit;
  2. Bumuo ng tatlong komponent ng eksibit: main eksibit sa Puerta Real Chambers, at dalawang suplementaryong eksibit (para sa Senado ng Fi­lipinas at para sa Kapulungan ng mga Kinatawan ng Filipinas);
  3. Pamunuan ang pag­hahanda, produksiyon, at setup ng eksibit sa Puerta Real Chambers, Senado ng Filipinas, at Kapulungan ng mga Kinatawan ng Filipinas (House of Representatives);
  4. Tiyakin na ang lalamanin ng eksibit ay alinsunod sa kabuuang konsepto nitó;
  5. Maghanda ng iskedyul ng produksiyon at tiyakin na masusunod ito;
  6. Magsulat ng teksto at makipagtulungan sa designer/layout artist para sa exhibition booklet, brosyur, walltext, at iba pang materyales ng eksibit;
  7. Magmungkahi ng kola­teral na gawain;
  8. Magmungkahi ng mga paaralan o iba pang institusyon na maaaring paglagyan ng eksibit sa loob ng isang taon pagkatapos ng Buwan ng Wika 2020; at
  9. Makipag-ugnayan sa Sangay ng Edukasyon at Networking ng Komisyon sa Wikang Filipino hinggil sa anumang may kinalaman sa eksibisyon.

Ipadala ang proposal sa opisyal na email ng Komisyon sa Wikang Filipino sa o bago ang 6 Disyembre 2019.

Ang anunsiyo sa mapipi­ling proposal ay sa 23 Disyembre 2019.

Email: [email protected]

Sabjek: WIKA AT KASAYSAYAN PROPOSAL

Magpapadala ang KWF ng pabatid na sagot sa lahat ng matatanggap na proposal.

Comments are closed.