NANAWAGAN ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa lahat ng business owners na simulan na ang pagpaparehistro ng kanilang negosyo para sa taong 2022 nang mas maaga sa online.
Ayon sa pamahalaan lungsod , prinoproseso na ni Office of Bureau of Permits Director Levi Facundo ang mga application sa maagang panahon upang maiwasan ang kadalasang last minute rush.
Layon nito na maiwasan ang pagkakaroon ng mahabang pila.
Ani Facundo na hanggang sa huling bahagi ng Nobyembre ay mayroon ng 53,000 negosyo ang nakapagrehistro sa Maynila.
Aniya,bagaman maganda ang ipinapakita ng numero pagdating sa kabuuang bilang ng negosyo pero medyo mababa ang koleksyon dahil sa pagkaluging tinamo ng ilang malalaking negosyo at ang pumalit na negosyo ay hindi naman ganoon kalaki.
Dahil dito, hinikayat ang mga business owner na bisitahin ang Go!Manila App para sa mabilis at kombinyenteng paggamit.
Para sa mga business renewal sa darating na Enero, inanunsyo ng city government ay mag-ooperate sa mga mall tulad ng Lucky Chinatown, Robinson’s Manila, SM Manila, SM San Lazaro at Isetann upang maiwasan ang mahabang pila at ma-accommodate ang mas maraming tao.
Samantala, ang “Manila EntrePinoy StrEAT Food Festival” na ginawa sa Mehan Garden na nagtapos noong Nobyembre 30 ay itinuloy sa Remedios Circle sa Malate, Manila.
Gayundin, ang distribusyon naman ng Christmas food packages para sa lahat ng pamilya na naninirahan sa Maynila na umaabot sa 700,000 ay nasa kalahati na kung saan 435 sa 896 barangay sa Maynila ang napagkalooban na.VERLIN RUIZ