(Panawagan sa DTI)PRESYO NG COOLING APPLIANCES BANTAYAN

DTI-4

PINABABANTAYAN ng isang kongresista sa Department of Trade and Industry (DTI) ang presyo ng cooling appliances sa bansa ngayong tag-init.

Ito ay sa harap ng mga ulat na may mga tindahan na nagtataas ng presyo upang samantalahin ang mataas na demand sa cooling appliances ngayong summer.

Ayon kay Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, kailangang matiyak ng DTI na abot-kaya pa rin ang mga appliances gaya ng electric fan at air conditioning sets, lalo’t maraming sambahayan ang maaaring mangailangan ng mga ito.

Inamin ni Roman na ilang mamimili ang nakapansin na ng pagtaas ng presyo ng kagamitan sa paglamig, na maituturing na nakababahala.

Noong nakaraang linggo ay sinabi ng PAGASA na aabot sa 80 porsiyento ang posibilidad na maideklara ang El Niño mula Hunyo hanggang Agosto.

Maaari itong humantong sa mga heat wave na posibleng magkaroon ng masamang epekto sa kalusugan ng publiko.

DWIZ 882