(Panawagan sa gobyerno) AGRI, TRANSPORT SECTOR PATULOY NA TUTUKAN

NANAWAGAN sa gobyerno si Rizal 4th District Representative Fidel Nograles na patuloy na tutukan ang sektor ng agrikultura at transportasyon sa bansa.

Ayon kay Rep. Nograles, chairman ng House Committee on Labor and Employment, ang ginagawang hakbang ng pamahalaan sa dalawang nabanggit na sektor ay makatutulong para sa abot-kayang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado at mapababa ang singil sa pamasahe.

Sinabi ng mambabatas na ang P40 na dagdag sa arawang suweldo ng mga manggagawa ay hindi sapat para tugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Naniniwala ang kongresista na patuloy sa pagsusumikap ang gobyerno para mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga Pilipino partikular na ng manggagawa.

-DWIZ 882