CAMP AGUINALDO – NANAWAGAN sa kanyang mga tauhan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Lt. Gen. Benjamin Madrigal Jr. sa kanyang kauna-unahang flag raising ceremony bilang bagong pinuno ng sandatahang lakas na ginanap sa Camp Aguinaldo.
Sa kaniyang mensahe sa mga dumalong military officers, enlisted personnel, at mga civilian employees sa General Headquarters ay inilatag ng heneral ang mga mithiin nito para sa taong 2019.
Mariin nitong inihayag na kailangan ng hukbo ang enhance professionalism and character development kasabay ng pagkamit ng kanilang operational goals.
Pinaalalahanan ni Madrigal ang mga sundalo sa kanilang mandato na wakasan ang armadong hidwaan at banta ng terorismo sa bansa.
“We will carry on and push our strong will to score a complete victory and finally put an end to local communist armed conflict. We will focus on capacitating ourselves in peace constituency-building, stakeholder leadership, community dialogues, and nation-building,” bahagi pa ng pahayag ni Lt. Gen. Madrigal.
Samantala, inihayag din ng heneral na makikipag tulungan ang AFP sa mga Muslim community at buong-buong susuportahan ang gaganaping plebesito at titiyakin sa Bangsamoro people na ma-exercise nila ang kanilang karapatang bumoto. VERLIN RUIZ
Comments are closed.