(Panawagan sa pamahalaan) CENTRAL POST OFFICE MULING ITAYO

HINIMOK ng dalawang mataas na opisyal sa Kamara ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na magtulungan upang sa lalong madaling panahon ay maitayong muli ang makasaysayang Central Post Office building na tinupok ng apoy kamakalawa.

Pagbibigay-diin ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers mahalagang mai-rebuild ang naturang gusali dahil sa historical significance, cultural heritage at national pride na dala nito.

“The structure was declared as an Important Cultural Property in 2018 by the National Museum, for its exceptional cultural, artistic and historical significance. We should restore it as a symbol of our national pride,” sabi pa ng House panel chair.

“The fact that the structure was built by great Filipino architects Juan Arellano and Tomas Mapua is reason enough for its rebuilding and restoration. It is proudly Filipino made,” dagdag ni Barbers kung saan iminungkahi niyang manguna sa gagawing restoration program ng Central Post Office ang Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa panig naman ni Deputy Speaker at Batangas 6thDist. Rep. Ralph Recto, sinabi niyang dapat ay agarang maisagawa ng pamahalan ang rebuilding ng National Post Office Building, at hindi sana sa pamamagitan ng ‘slow mail fashion”.

Giit ng Batangas province lawmaker, sakaling lumapit at kumatok sa pinto ng Malakanyang ang mga postmen para humingi ng tulong, sana ay hindi makadalawang ulit silang mag-doorbell, sa halip ay agad matugunan ng Palasyo ang kanilang kahilingan.

Naniniwala si Recto na magiging madali at mabilis ang muling pagpapatayo ng nasabing gusali kung saan maaaring mapagkunan ng kinakailangang pondo para rito ang P13 billion Contingent Fund, na isang uri ng national emergency fund, na nasa ilalim ng kontrol ng Punong Ehekutibo.

“Nandiyan din ang NDRRMC or Calamity Fund, which has a beginning 2023 available balance of P19.03 billion. The fire which hit this national historical landmark is undoubtedly a certifiable disaster,” sabi pa ng House Deputy Speaker.

-ROMER R. BUTUYAN