(Panawagan sa publiko) SARILING PRODUKTO SUPORTAHAN

BINIGYANG-DIIN ni Senadora Cynthia Villar na mahalaga ang pagbili ng sariling produkto para sa pagkakaroon ng isang malakas na ekonomiya.

Ginawa ni Villar ang pahayag sa harap ng mga miyembro ng Association of Laguna Food Processors (ALAFOP) Calabarzon Food Solutions Hub (CFoSH) sa Sta. Rosa, Laguna kung saan  hinimok niya ang lahat na tangkilikin ang one-stop shop ng Laguna local products.

Nanawagan siya na suportahan ang maliliit na negosyo at ang Association of Laguna Food Processors (ALAFOP).

Pinuri rin ng senadora ang ALAFOP sa pagbuo ng grupo ng processed food manufacturers upang palakasin ang kanilang puwersa na sa ngayon ay mayroon nang 79 kasapi simula nang buuin ito noong 2009 na may 12 miyembro.

“They intend to give jobs and additional income to our people in Laguna,” ani Villar.

Mayroon silang Coconut Virgin Oil, Coconut Sugar, Mulberry Wine, Mulberry Jam, Mulberry Juice, Coconut Skim Milk, Lemongrass Hydrosol, Lemongrass Oil, Filipino snacks at deserts, turmeric beverage at turmeric powder

“The products of members of Market MSMEs should be accessible to more and bigger market,” dagdag ni Villar na nanguna sa pagbubukas ng trade fair sa Vista Mall Santa Rosa kung saan ibinida ang processed foods ng ALAFOP.

VICKY CERVALES