Panawagan ukol sa vandalized sa sign board na “Falling Rocks” sa Pinugay, Baras, Antipolo

NANANAWAGAN ang ilang concerned citizens at motorista kay Police Major Junard Briones, Chief of Police ng Baras o maging sa opisina ni Baras Municipal Mayor Wilfredo “Willy” Robles na bigyan pansin ang blotter report tungkol sa isang grupo ng kabataan na dumadayo at nag-vandalize sa sign board na “Falling Rocks” na matatagpuan sa Pinugay, Baras, Antipolo. 

Nakunan ng video at mga larawan ang aktong vandalism noong Marso pa dahil ipinost nila at pinagyabang rin sa social media. Isang babaeng mahaba ang buhok ang gumamit ng spray paint at nagbabandalismo habang nagtatawanan ang grupo.

Ang video at mga larawan ay galing sa isang member ng motorcycle group na nakuha mismo sa Instagram account ng grupong umiikot sa lugar para magbandalismo. Ayon sa grupo, may mga nadisgrasya na sa naturang lugar dahil hindi na mabasa ang babalang “Falling Rocks” lalo na sa gabi. Bukod sa mga motorcycle rider, madalas ding daanan ng private cars ang naturang lugar.

Ayon pa sa miyembro ng motorcycle group, nakita nila sa Instagram post ng isang “Joyce Ignacio” na ipinagyayabang pa ng grupo nito ang ginawang bandalismo sa naturang lugar.

Sana ay panagutin at pagmultahin ang mga grupo na gumagawa ng illegal sa iba’t ibang lungsod.

Ayon pa rin sa riders, Abril 2023 ay may kaukulang reklamo sa Antipolo para sa vandal group na siya ring grupo na gumagawa ng bandalismo sa ibat-ibang lugar sa Metro Manila tulad ng Quezon City, Pasig City at Escolta, Manila.

May parusa sa bandalismo at pagsira ng government properties (House Bill 2090): multang aabot sa P300,000 at 12 to 15 taon na pagkakakulong.

Humihingi ng tulong ang riders upang mahanap ang vandal group upang managot sa batas at lalong- lalo na sa pinsala at mga taong nadisgrasya dulot ng bandalismo. Ang rider group ay maaaring tawagan at i-message sa FB page: CBR150R.NCR.BROTHERHOOD.PHL