PANAWAGANG PALAWIGIN ANG OVERSEAS REGISTRATION, HANDANG IKONSIDERA NG COMELEC

PAG-AARALAN ng Comelec En Banc ang panawagang palawigin ang registration period para sa mga Pilipinong nasa ibang bansa na nais makaboto sa Eleksyon 2022.

Ayon kay Comelec Chairman Sherif Abbas, tatalakayin nila ang posib­leng pagpapalawig sa overseas registration sa Miyerkoles sa gitna na rin ng puspusang paghahanda nila para sa 2022 national elections.

Maaari aniyang ikonsidera ang pagbubukas muli ng registration sa mga lugar lamang sa abroad na aniya ay “parang NCR “ kung saan marami pa ang gustong magparehistro.

Una nang iniapela ni Senador Imee Marcos na ikonsidera ang apela ng mga OFW at seafarer na hindi nakaabot sa deadline ng overseas registration noong Oktubre 14 dahil nahirapan sa pagbiyahe patungo sa mga konsulada at embahada bunsod ng pandemya. DWIZ882

423 thoughts on “PANAWAGANG PALAWIGIN ANG OVERSEAS REGISTRATION, HANDANG IKONSIDERA NG COMELEC”

  1. 62817 43351There some fascinating points more than time here but I dont know if I see them all center to heart. There exists some validity but Let me take hold opinion until I appear into it further. Really very good post , thanks and now we want much more! Included with FeedBurner at exactly the same time 261663

Comments are closed.