NADAGDAGAN ang mga taong nanawagan sa Supreme Court (SC) na siya ring bumubuo sa Presidential Electoral Tribunal (PET) na ilabas nito ang desisyon hinggil sa kasong pandaraya na isinampa ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Pangalawang Pangulo Ma. Leonor “Leni” Robredo.
Idiniin ni Dr. Celerino “Chie” Umandap, chairman ng Advocates and Keepers of OFW (AKO-OFW), na pagpapakita ng respeto sa mamamayang Filipino ang paglalabas ng PET sa desisyon nito hinggil sa kaso ni Marcos na kumuwestyon sa panalo ni Robredo bilang pangalawang pangulo noong eleksyon 2016.
Ibinigay ng Saligang – Batas sa mataas na korte bilang presidential electoral tribunal (PET) ang pagdedesisyon hinggil sa electoral protest tungkol sa posisyon ng pangulo at pangalawang pangulo subalit makalipas ang higit sa apat na taon, nga-nga pa rin ang taumbayan sa hatol ng PET.
Ani Umandap: “Long overdue na ang PET decision. Once and for all ay deserve ng taumbayan ang tunay na resulta ng eleksyon at para malaman kung sino ang tunay na VP (vice president).
Nitong Agosto 26, lumabas sa Saksi Ngayon ang posisyon ni House Minority Leader Beinvenido Abante na kailangang ilabas ang pasya ng PET hinggil sa isyu ito ay sa kabila ng walang tigil na pagpapakalat ng balita hinggil sa kalusugan ni Pangulong Duterte ng kanyang mga kritiko.
Ang panawagan ni Abante sa PET ay nakaangkla sa “legal” na papalit kay Pangulong Rodrigo Duterte kung sakaling may katotohanan at tuluyang ngang bumagsak ang pangangatawan ng pangulo bago matapos ang termino nito sa Hunyo 30,2022.
Inaalala ni Abante ang posibilidad na magkaroon ng “constitutional problem” sa paghalili ni Robredo kay Duterte dahil walang pinal na desisyon ang PET hinggil sa protest ni Marcos sa kabila ng mga ebidensyang inihain nito sa korte.
Ilang buwan na lang ay muling magsisimula na ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) para sa halalang 2022, ngunit hindi pa kumikilos ang PET para pinal na resolbahin ang protest ani Marcos.
Napag-alaman ng media na si Associate Justice Marvic Leonen ang “susi” upang mailabas ang pinal na desisyon ng PET at klaruhin ang isyu ng legitimacy na matagal ng bumabalot sa usapin kung sino ang totoong Bise-Presidente ng bansa.
Si dating Pangulong Benigno Aquino III ang nagtalaga kay Leonen sa Korte Suprema matapos ang umano ay “matagumpay” na unang pag-uusap ng administrasyong Aquino at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi naipatupad dahil sa marami nitong constitutional issues at maraming mga linalaman na palpak na kasunduan.
Comments are closed.