PANCHO PIANO WALANG KUPAS @55

Ipinamalas ng multi-awarded Filipino artist na si Pancho Piano na habang lumilipas ang panahon ay hindi ito kakikitaan ng kapaguran sa paghawak ng brush.

Lalong tumitingkad ang kulay na kanyang ipinipinta na matutungha­yan sa ginaganap na art exhibit sa ART Center sa SM Megamall.

Limampu’t limang obra ni       Piano ang naka-display rito kaugnay sa kanyang ika-55 one-man show na Umbrae Spie (Shades of Hope).

Taal na Bikolano, hindi mawawala sa mga obra ang senaryo sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Penafrancia.

Si Piano ay isa ring stained glass artist at marami na itong ginawang artwork sa mga simbahan sa bansa. Matutunghayan ang 55 iba’t ibang obra ni G. Piano sa nasabing exhibition hanggang sa Abril 28, 2022. SUSAN CAMBRI