PANDEMIC ASSISTANCE SA MGA OFW, TUTUTUKAN NI OPLE

TUTUTUKAN ni incoming Migrant Workers chief Susan “Toots” Ople kung ano ang maaaring ibigay na tulong sa overseas Filipino workers (OFW) sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Ople, hindi lamang kaso ng COVID-19 ang tumataas kundi maging ang monkeypox infections sa iba’t ibang mga bansa.

Magsasagawa rin sila ng systems review para sa mga OFW na nahihirapang makakuha ng Overseas Employment Certificate at tutugunan rin ang mga isyu sa One Health Pass.

Mababatid na kinumpirma ni Ople nitong Martes na tinanggap niya ang alok ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pamunuan ang departamento. DWIZ882