PANDEMIC BALEWALA KINA SANYA LOPEZ, GIGI DE LANA, AJ RAVAL PARA MAMAYAGPAG

WALANG pakialam sina AJ Raval, Sanya Lopez, at Gigi de Lana sa pandemya, dahil kahit sa kabila ng lahat, nagreyna sila sa pelikula.

Si AJ, namayagpag sa streaming platform na Vivamax at nadawit pa sa hiwalayang Aljur Abrenica, at Kylie Padilla.

Si Sanya naman, sumikat sa First Yaya at may sequel pa ito ngayong First Lady kasama si Gabby Concepcion

Singing Sensation sa YouTube at Facebook naman ang peg ni Gigi de Lana. Sunud-sunod ang kanyang album at inaasahang magpapayanig ang kanyang unang on-ground concert event na Gigi De Lana and The Gigi Vibes: Domination sa Marso 5 sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Iba’t iba ang genre of excellence nina AJ, Sanya, at Gigi. Si AJ ay pa-sexy. Si Sanya ay pa-romcom at si Gigi ay sa music. At nagawa nilang makaangat sa kabila ng pandemya. Good luck ngayon 2022. KNM