PANDEMYA PAWAKAS NA-EXPERTS

NANINIWALA  ang ilang eksperto sa ekonomiya at kalusugan na malapit nang magwakas ang nararanasang Covid-19 pandemic.

Ayon kay dating National Task Force Against Covid-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa, hindi na ikinokonsidera bilang emerging infectious disease ang COVID-19.

Gayom pa man, dapat pa ring ipagpatuloy ng gobyerno ang plano nitong bumuo ng mga institutional arrangements na magkokonsidera sa sitwasyon ng bansa.

Orihinal na nagmula ang plano sa DOH kung saan isinusulong din na muling buuin ang IATF para magkaroon lamang ng mga miyembro na kailangan talaga sa ahensiya.

Samantala, suportado naman ng ilang eksperto na makakamit na natin ang pandemic phase.

Kabilang sa sumang-ayon sy sina dating Presidential adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, OCTA research fellow Professor Ranjit Rye at Infectious Disease Expert Edsel Salvana.

Bahagyang bumaba ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kahapon.

Ayon sa DOH, bumaba sa 1, 841 ang naitalang New Covid-19 cases kumpara sa 2, 285 noong Lunes.
710 sa naitalang bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR).

Tumaas naman sa 20, 511 ang aktibong kaso na katumbas ng 11.9%.

Samantala, wala namang nadagdag sa bilang ng mga nasawi dahil sa Covid na nananatili pa rin sa 60, 641 habang 3, 656, 070 ang mga gumaling.

Sa kabuuan, pumalo na sa 3, 737, 222 ang Nationwide Covid-19 tally sa Pilipinas. DWIZ882