Umabot sa 144 seedlings ng endemic tree species ang inisyal na itinanim sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center (NAPWC) sa Quezon City bilang bahagi ng pagsusumikap ng Department of Environment and Natural Resources-Biodiversity Management Bureau (DENR-EMB) na mapangalagaan ang green spaces sa urban areas sa gitna ng pandemya.
Kabilang sa 144 seedlings ng native at endemic tree species ang banaba (Lagerstroemia speciosa) at mussaenda (Mussaenda philippica), ang itinanim sa paglulunsad ng proyekto.
Kasama rin sa mga species na ito ang white lauan (Shorea contorta), apitong (Dipterocarpus grandiflorus) bagtikan (Parashorea malaanonan), dalingdingan (Hopea foxworthyi), guijo (Shorea guiso), hagakhak (Dipterocarpus validus), manggasinoro (Shorea assamica ssp. philippinensis), yakal (Shorea astylosa), akle (Serialbizia acle), igang (Syzygium garciae), lipote (Syzygium polycephaloides), ipil (Intsia bijuga), siar (Peltophorum pterocarpum), supa (Sindora supa), tindalo (Afzelia rhomboidea), at batino (Alstonia macrophylla).
Ang mga seedings ay itinamin sa tatlong lugar sa NAPWC kasama na ang Grand Rotonda na malapit sa opisina ng BMB; sa Cherry Lane na umaabot sa lakaran malapit sa Quezon Avenue gate; at sa lugar ng Buhay-Ilang sa Siyudad sa loob ng NAPWC kung saan ipinagbabawal ang ano mang physical development at pananatilihin upang maipakita ang “nature in its undisturbed state, and will provide ecologically representative examples of natural environment.”
Ang paglulunsad ng proyekto at tree-planting activities ay dinaluhan ng 229 DENR executives, senior officials, at personnel at mga kinatawan mula sa Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, at Bureau of Corrections.
Ang tree-planting activity ay bahagi ng DENR-BMB arboretum project na layuning maging imbakan ng Philippine native at endemic trees ang NAPWC.
Layunin din nito na mapalakas ang adbokasiya ng DENR-BMB na gamitin at mapalaganap ang native tree species para sa tamang paghatid ng ecosystem services.
Mapupunan din nito ang Urban Biodiversity Program ng bureau na siyang gumagawa ng mas strategic framework sa pagsusuri ng kalagayan ng biodiversity sa urban areas.
Kasama ang primary objective na epektibong mapangalagaan ang green spaces sa urban areas, layunin din ng Urban Biodiversity Program na mapanatili ang pamamahala at mabawasan ang banta sa biodiversity sa urban areas upang mapanatili ang ecosystem services para sa kasalukuyan at susunod na henerasyon.
Ayon kay DENR Undersecretary for Special Concerns at concurrent BMB Director Edilbero Leonardo, ang pangarap ng bureau na gawin ang plant inventory ng NAPWC mula exotic at invasive species patungong native tree species ay sinimulan noong isang taon at iniimplementa ng yugto.
Kasunod dito ay ang enrichment tree planting activities na isinagawa noong Nobyembre 2020 at Abril 2021 kung saan ay nakapagtanim ng kabuuang 12 at 60 seedlings, ayon sa pagkakasunod.
Sinabi pa ni Leonardo, ang pinakahuli ay nitong unang linggo ng Hunyo kung saan ay 36 native tree species ang itinanim sa kahabaan ng park’s perimeter fence malapit sa panulukan ng Elliptical Road at Quezon Avenue. NV
Umaasa si Leonardo na sa pamamagitan ng tree-planting activities ay makakapag “contribute to the efficient delivery of ecosystem services” at the NAPWC in order for the park to “not only be an oasis in the middle of a highly urbanized environment, but also a learning laboratory for biodiversity conservation and education on different native and endemic plants and animals.”
Ang NAPWC ay isa sa nabibilang na natitirang green spaces sa Metro Manila at kasama rin ito sa 94 legislated protected areas nationwide.
Nauuri din ito bilang national park sa bisa ng Republic Act 7586 o ang National Integrated Protected Areas System (NIPAS) Act of 1992 na inamiyendahan ng Republic Act 11038 o ang Expanded NIPAS Act of 2018. NV
518341 371206Thank you for the sensible critique. Me and my neighbor were just preparing to do some research on this. We got a grab a book from our area library but I believe I learned far more clear from this post. Im extremely glad to see such outstanding info being shared freely out there. 843157