PANEL OF EXPERT PARA SA FACE TO FACE CLASSES

Senador Win Gatchalian-4

ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian sa Department of Education (DepEd) na magtatag ng sarili nilang “panel of experts” para magsilbing gabay sa pagsasagawa ng pilot test sa pagbabalik ng face-to-face classes sa mga lugar na walang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Gatchalian, ang panel ng mga eksperto sa ilalim ng DepEd ang maaaring sumuri sa pilot testing program ng face to face classes gamit ang mga angkop na kaalaman, lalo na at magkakaiba ang sitwasyong kinakaharap ng mga paaralan.

Idinagdag pa ng senador, na chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, na hindi ibig sabihin na nagkansela ng face to face classes ay titigil na rin sa pilot schools, kaya magandang paraan para mapag- aralan ng ating eskperto ang maaring gawin para maibsan ang matinding pinsala ng coronavirus sa mga mag-aaral.

Pabor naman si Gatchalian sa mga suhestiyon na isagawa ang pilot test sa mas maliit na bilang ng mga paaralan na dadaluhan ng mga maliit na bilang ng mga mag-aaral sa mga lugar na wala o maliit ang kaso ng COVID-19.

Base sa Philippine Pediatric Society (PPS), ang resulta ng pag-aaral sa 191 bansa, kung saan walang ugnayang nakita sa kalagayan ng mga paaralan sa bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa komunidad.

Kaya nagbabala rin ang organisasyon na ang isang taong pagsasara ng mga paaralan ay katumbas ng dalawang taong pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante.

Kasabay nito muli rin iginiit ni Gatchalian ang kahalagahan ng pagbibigay prayoridad sa mga guro para sa  vaccination program.  LIZA SORIANO

30 thoughts on “PANEL OF EXPERT PARA SA FACE TO FACE CLASSES”

  1. Pingback: 3rewritten

Comments are closed.