GALING pa ng Tacloban, Leyte ang pang-13 persons of interest sa Christine Dacera slay.
Dumating ito sa Maynila araw ng Biyernes kasama ang mga taga-NBI.
Kinilala ito na si Jake Esteron na kasama sa nag-check in sa Room 2207 sa Citygarden Hotel sa Makati City.
Inaasahang magbibigay ito ng linaw sa kaso ng pagkamatay ng 23-anyos na flight attendant na natagpuang wala nang buhay sa bath tub ng isang silid sa nasabing hotel.
Kamakalawa ay humarap na sa piskalya ang iba pang mga respondents sa kaso.
Comments are closed.