NILAGDAAN na kahapon ng Pilipinas at Kuwait ang kasunduan na higit na magkakaloob ng proteksiyon sa mga overseas Filipino worker sa Gulf state matapos ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa kamakailan.
Pinangunahan nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, Labor Secretary Silvestre Bello III at mga opisyal ng Kuwait ang paglalagda sa memorandum of understanding (MOU) na tinawag na “Agreement on the Employment of Domestic Workers between the Philippines and Kuwait.”
Kasama sa mga napagkasunduan ang pagbuo ng 24/7 hotline, kung saan maaaring mag-ulat ng pang-aabuso ang household service workers at spe-cial police unit para tumugon sa kanilang reklamo.
Nakapaloob din dito na may karapatan ang OFWs na itago ang kanilang pasaporte sa embahada ng Pilipinas at hindi papayagang kumpiskahin ng kanilang mga amo.
Ang kasunduan ay binuo bilang kondisyon para alisin na ang deployment ban sa Gulf state makaraan ang sunod-sunod na kaso ng pagpatay sa mga manggagawang Pinoy roon.
Inaasahan naman na ang kasunod ng paglalagda sa MOU ng dalawang bansa ay ang partial lifting ng deployment ban sa Kuwait.
Comments are closed.