KASABAY sa pagpapaalalang nanatili at makapagdudulot pa rin ng kapahamakan sa tao ang coronavirus disease, nagpahayag ng pagsuporta ang health advocacy party-list Anakalusugan sa rekomendasyon na muling mabigyan, sa ikaapat na pagkakataon ng COVID-19 vaccine, partikular ang mga nakatatanda at may comorbidity sa bansa.
Ayon kay Anakalusugan Rep. Mike Defensor, sumasang-ayon sila sa pagnanais ng government vaccine expert panel na magkaroon ng fourth Covid-19 shot ang elderly Filipinos at mga indibidwal na may mabigat na karamdaman o kapansanan.
Pagbibigay-diin ng party-list solon, sa halip na i-donate ng pamahalaan ng Pilipinas sa ibang karatig-bansa ang naka-stock na bakuna kontra COVID-19, mas mabuting gamitin na lang ito para sa ikaapat na bakuna ng senior citizens at mga may co-morbidity.
“The virus is still with us. Why should we give our supply away when we need it? Let’s give it to those who want it, as a booster or even as an additional booster or fourth Covid-19 shot, with senior citizens and those with co-morbidity as our priority,” paggigiit ni Defensor.
Aniya, mayroong inilabas na recomendasyon ang panel of vaccine experts ng Department of Health (DOH) para sumalang sa fourth dose ang mga nakatatanda at mahihina ang immune system dala ng pagkakaroon ng ibang karamdaman.
Apela ni Defense sa DOH, gayundin sa inter-agency task force (IATF) on pandemic response, na aprubahan ang nasabing mungkahi ng vaccine experts kung saan magagawa naman ito ng pamahalaan dahil may sobra pang suplay ng bakuna sa bansa.
“Clearly, we have enough supply even for a additional booster to the elderly and those with co-morbidity or immunocompromised,” sabi ni Defensor kung saan binanggit niya na base sa datos na nakalap ng
Anakalusugan party-list, umabot sa 232 million doses ng bakuna dumating sa Pilipinas at nasa 64 milyon Filipino na ang fully-vaccinated habang nasa 10.7 million lang ang nakapagpa-booster shot.
Samantala, hinimok din ng lawmaker-health advocate ang lahat na patuloy na sumunod sa itinatakdang health protocols sa kabila nang malaking pagbaba sa bilang ng naitatalang mga nagpositibo sa coronavirus. ROMER R. BUTUYAN