PANG. MARCOS AT VP SARA HATAW SA SURVEY

KATATAPOS  lang ng ikatlong Philippines-U.S. 2+2 Ministerial Dialogue nitong ika-11 ng Abril 2023 sa Washington D.C.

Naglabas ng joint statement hinggil dito sina Secretary of Foreign Affairs Enrique Manalo, Senior Undersecretary and Officer-in-Charge (OIC) of National Defense Carlito Galvez Jr., Secretary of State Antony Blinken, at Secretary of Defense Lloyd Austin.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), sa pagpupulong ay ibinahagi ng mga opisyal “ang kanilang pananaw na nagtataguyod ng international rules-based order, pagpapalalim ng ugnayan, pagsulong ng broad-based prosperity, at pagtugon sa mga kaganapan sa regional at global security challenges.”

“Ang pagpupulong ay isa pang patunay ng ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos,” ayon sa PCO.

Binigyang-pugay naman ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mga magsasaka at mangingisda ngayong buwan dahil ipinagdiriwang natin ang Filipino Food Month.

Ang okasyon na ito, ayon sa PCO, ay “sumasalamin sa mayaman at masaganang kultura at tradisiyon ng bansa sa larangan ng pagkaing Pilipino.”

Ngayong taon, nakatuon ang pagdiriwang sa temang “Pagkaing Sariling Atin, Mahalin at Pagyamanin.”

Dito’y nagbigay-pugay nga si PBBM “sa ating mga magsasaka at mangingisda na nagbibigay pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga Pamilyang Pilipino. “

Katuwang ang iba’t ibang sektor ng lipunan, nakatutok ang Marcos admin sa mga pangunahing programa ng kanyang administrasyon na kinabibilangan ng seguridad sa suplay ng pagkain, pagpapaunlad ng agrikultura, at pagpapayaman ng lokal na produksiyon ng pagkain.

Ito ang dahilan kaya mataas pa rin ang approval at trust ratings ni Pang. Marcos.

Batay nga sa pinakabagong Pulse Asia survey, lumalabas na may tiwala at kumpiyansa pa rin kay PBBM ang mayorya ng mga Pinoy.

Ang approval at trust ratings nina Marcos at Vice-President Sara Duterte-Carpio ay halos walang pinagkaiba raw sa survey results noong November 2022.

Humakot si Pang. Marcos ng 78% approval rating at 80% trust rating.

Ang pangalawang pangulo naman ay nakakuha ng 83% na approval rating at 85% na trusting rating.

Well, congrats PBBM at VP Sara.

Mabuhay po kayo at God bless!