(Pang-puhunan sa negosyo) BIG HEART INVESTORS SA “BISYONG PAGNENEGOSYO” WEBINARS, PIPILI NA!

PIPILI na ang Big Heart Investors ng mga participant na umattend sa limang webinars ng BVG Accounting and Business Consultancy na mayroong temang “Bisyong Pagnenegosyo”.

Layunin ng webinars na ito ang matulungan ang ating mga kababayan, partukular na iyong mga nawalan ng trabaho, may maliit na kita pero nais pang madagdagan, at para sa mga nais matutong magnegosyo.

Ayon kay Dr. Benjamin V. Ganapin, Jr., resource speaker ng webinars, pipili ang kanilang sampung partners o big heart investors sa 112 participants para makatanggap ng mula sa 5,000 hanggang 10,000 pesos na puhunan para sa maliit na negosyo.

Kabilang sa mga big heart investors na ito ang Rotary Club of Cosmopolitan Cubao na masigasig sa pagtulong at pagbibigay ng livelihood projects sa pangunguna ni Transforming President Chris Tendero at Serve to Change Lives President Benj Foscablo.

Kasama din ang Chelsea at Finickee shoes na nagbubukas din ng pagkakataon para sa posibleng consignment contract sa participants.

Nariyan din ang Thank God It’s Lechon (TGIL) na bukas din sa posibleng partnership para maibenta ang kanilang produkto.

Nais ding makatulong ng Caspar Steel Roofing Inc., na maaasahan sa kanilang mga produktong bubong.

At, ilan pang mga pamilya at inidibidwal na gustong makatulong sa iba na magkaroon ng kabuhayan o dagdag na pagkakakitaan.

Narito po ang mga lessons sa naturang webinars:

1. Ano ang Tamang Negosyo sa ‘Yo (ano ang ibig sabihin ng negosyo?)
2. Paano Makabenta? (alamin ang tamang paglilista ng posibleng benta para sa paglago ng negosyo)
3. Ang Tamang Operasyon ng Negosyo (Mobile Legends Truck Edition), pagbabantay sa tamang proseso ng pagnenegosyo
4. Kapit sa Kapital (alamin ang tamang pag-umpisa at kailangang capital sa negosyo)
5. Ang Paggawa ng Business Plan- mga kailangang isipin sa pagtatayo ng negosyo
“Pagkatapos po ng limang lectures ay magpapasa na po sila ng business plan at pipili na po ang mga Big Heart Investors,” ayon pa kay Doc Benjie.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng Business Plan ay ang mga sumusunod:

Ano ang produkto mo?
Sino suppliers mo?
Bakit siya bibilhin?
Presyo?
Saan mo itatayo?
Sa’n ka magtitinda?
Sino sa tingin mo ang bibili?
Gaano kadami bibili?
Kakumpitensya?
Paano ang pagdeliver?
Magkano ang puhunan?
Saan mo kukunin ang puhunan?
Kaya mo bang gawin ulit-ulit ito?
Magkaano ang kikitain sa isang araw?
Magparehistro na!?
Pangalan ng Company mo?

Ito ay mula sa pangunguna ng BVG Foundation Inc. at BVG Accounting & Business Consultancy katuwang PILIPINO Mirror – Ang Unang Tabloid sa Negosyo bilang media partner ng naturang webinars.

“Imbes na bigyan lamang po ng ayuda ang mga nangangailangan ay turuan po silang maghanapbuhay at bigyan ng maliit na puhunan. ‘Ika nga, do not just give them fish, you teach them how to fish,” payo ni Doc Benjie Ganapin, Jr. CRIS GALIT

7 thoughts on “(Pang-puhunan sa negosyo) BIG HEART INVESTORS SA “BISYONG PAGNENEGOSYO” WEBINARS, PIPILI NA!”

  1. It’s too bad to check your article late. I wonder what it would be if we met a little faster. I want to exchange a little more, but please visit my site slotsite and leave a message!!

  2. 983994 843775Excellent post nevertheless , I was wanting to know in the event you could write a litte a lot more on this subject? Id be extremely thankful should you could elaborate slightly bit further. Bless you! 63031

Comments are closed.