(Pangako ng DA) PROBLEMA SA ASF TAPOS NGAYONG TAON

NANGAKO ang Department of Agriculture (DA) na tatapusin nito ang problema sa African swine fever (ASF) na naging sanhi ng kakulangan sa suplay at pagsipa ng presyo ng baboy ngayong taon.

“For this year, issues on ASF and stabilizing food prices very much remain to be real problems that we have been dealing with,” pahayag ni Agriculture Secretary William Dar sa Asia CEO Forum kahapon.

Aniya, sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya ay tutuldukan na nila ang problema ngayong taon.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), sa pagsisimula ng 2021 ay bumaba ng 3 milyon ang total swine inventory dahil sa ASF.

“On ASF, we have since expanded our support for local producers by providing support in the shipment of live pigs and whole carcasses,” ani Dar.

Dagdag pa niya, ang DA ay nagbibigay ng reimbursement na P21 per kilo sa shipments mula sa Mindanao; P15 per kilo sa Visayas, Ilocos region, Cagayan Valley, MIMAROPA at Bicol, at P10 per kilo sa Central Luzon at Calabarzon.

Bukod dito, sinabi ni Dar na tinaasan din ng pamahalaan ang indemnification fund sa P10,000 per head mula sa P5,000, para sa kapakinabangan ng mga magbababoy na ang mga alaga ay naapektuhan sa ASF culling operations.

Inilunsad din ng ahensiya ang P29.6-billion twin program para buhayin ang African swine fever-hit hog industry, at matiyak na hindi na kakalat pa ang sakit.

“We have also launched the national re-population and recovery program for the hog industry together with Bantay ASF sa Barangay with a combined P29.6 billion from private and public sector investments,” sabi pa ni Dar.

Inirekomenda rin ng DA ang pagdedeklara ng nationwide state of emergency dahil sa banta ng ASF.

3 thoughts on “(Pangako ng DA) PROBLEMA SA ASF TAPOS NGAYONG TAON”

Comments are closed.