NANGAKO ang Department of Foreign Affairs (DFA) na tutugunan ang problema sa pahirapang pagkuha ng passport processing slot via online.
Ito’y para paghandaan ang pagdami ng aplikasyon sa darating na Pasko.
Ayon kay DFA Assistant Secretary for Consular Affairs Henry Bensurto, ginagawa ng kagawaran ang lahat upang magbukas ng karagdagang slots para sa mga nais mag-apply.
Maliban dito, kinokonsidera rin nila ang paglalagay ng karagdagang satellite application offices sa bansa sakaling payagan ang kanilang request na additional budget.
Tinitignan na rin ng kagawaran ang pagbubukas ng consular offices sa mga probinsya bilang bahagi ng kanilang pangmatagalang plano. DWIZ882