(Pangako ng gobyerno, biz groups) 1M TRABAHO LILIKHAIN

Ramon Lopez

MAY anim na buwan na lamang ang nalalabi sa 2021, lumagda ang ilang ahensiya ng pamahalaan at business groups sa isang manifesto para lumikha ng isang milyong trabaho ngayong taon.

Sa closing ceremony ng 42nd National Conference of Employers kahapon, kapwa nangako ang public at private sectors na ibabalik ang isang milyong trabaho na nawala dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang “Reform. Rebound. Recover: One Million Jobs for 2021” manifesto ay nilagdaan ng  Department of Trade and Industry (DTI), Department of Labor and Employment, Department of Transportation, Department of the Interior and Local Government, Department of Tourism, Commission of Higher Education, at Technical Education and Skills Development Authority para sa pamahalaan.

Sa panig ng pribadong sektor, ang dokumento ay nilagdaan ng Employers Confederation of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, Philippine Exporters Confederation, Inc., Hotel and Restaurant Association of the Philippines, Philippine Constructors Association, Inc., Philippine Hotel Owners Association, Inc., at Semiconductor and Electronics Industries in the Philippines, Inc.

“On behalf of the National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force, we welcome this partnership project with the Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP) to generate 1 million jobs for 2021. This is a big boost in our work at the NERS Task Force in bringing back lost employment and reinvigorating the labor market with increased economic activities,” wika ni DTI Secretary Ramon Lopez.

Ayon kay Lopez, na siya ring chairman ng NERS Task Force, magpapatupad ang pamahalaan ng mga programa at polisiya na hiniling ng business sector upang makalikha ng isang milyong trabaho ngayong taon.

Sa ilalim ng manifesto, ang NERS Task Force ay magkakaloob ng bakuna sa qualified workers; aayudahan ang mga negosyo sa pamamagitan ng pagpapahusay sa investment climate; magkakaloob ng profiles ng workers na maaaring i-refer sa existing job vacancies; at ipatutupad ang Telecommuting Act at isusulong ang iba pang alternative work arrangements.

Magkakaloob naman ang gobyerno ng mga pagsasanay para sa mga manggagawa na hindi magkukuwalipika sa bakanteng trabaho; makikipag-ugnayan sa local government units (LGUs) sa pagkakaloob ng transportation services sa mga manggagawa na magpapakuna at kailangang lumipat mula sa isang LGU sa iba; mag-oorganisa ng job caravans; at magbibigay ng iba pang  support mechanisms sa pagpapatupad ng proyekto.

“We acknowledge that this is a bold task given the prevailing circumstances. However, we are confident that under the able and strong leadership of President Rodrigo Roa Duterte and with the government and employers working together, we can deliver the creation of 1 million jobs for 2021,” ani Lopez.

Samantata, responsibilidad naman ng pribadong sektor na tukuyin ang mga bakanteng trabaho mula sa mga miyembro nitong kompanya at paghanap ng trabaho sa mga kuwalipikadong  aplikante na kasalukuyang walang trabaho. PNA

2 thoughts on “(Pangako ng gobyerno, biz groups) 1M TRABAHO LILIKHAIN”

  1. 566721 595665Im not that a lot of a internet reader to be honest but your internet sites genuinely good, keep it up! Ill go ahead and bookmark your web site to come back later. All the greatest 171972

  2. 132382 18917The vacation special deals offered are believed as a selection of possibly the most preferred and therefore within your budget all more than the globe. Quite a number of hostels can be proudly located inside property which is accented who has striking seashores encouraging crystal-clear rivers, contingency of an Ocean. hotels compare rates 353465

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *