NANGAKO ang mga manufacturer ng mga pangunahing bilihin na kokontrolin nila ang presyo ng kanilang mga produkto sa holiday season para makayanan ng mga consumer.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth B. Castelo, nagbitaw ng salita ang basic necessities and prime commodities (BNPCs) producers na patatatagin nila ang presyo ng kanilang mga produkto sa susunod na tatlong buwan.
Ginawa ng mga manufacturer ang pahayag habang palapit ang Kapaskuhan, na magandang pagkakataon para makapagtaas ng presyo dahil inaasahang lalaki ang demand o pangangailangan sa mga pangunahing bilihin.
“No price moratorium, but we have requested BNPC manufacturers to hold price increases for at least the next three months. The response is very positive and some even committed not to move prices for the next nine months,” wika ni Castelo.
Noong Agosto 13 ay iniulat ng consumer group Laban Konsyumer Inc. na tumaas ang presyo ng 93 pangunahing bilihin ng hanggang 11 percent, o P1.95, magmula noong Enero. Dahil dito, nanawagan ang grupo sa DTI na magpatupad ng moratorium sa anumang pagtataas ng presyo hanggang sa first quarter ng susunod na taon.
Iginiit ng Laban Konsyumer na ang pressures sa supply and demand ay maaaring mag-udyok ng panibagong taas-presyo lalo na’t papalapit na ang Christmas season, kung saan sa Philippine tradition ay karaniwan itong nagsisimula tuwing Setyembre.
Sa pangako ng manufacturers, sinabi ni Castelo na hindi na kailangan pang magpatupad ng price moratorium ang pamahalaan.
Samantala, sinabi ni Trade Secretary Ramon M. Lopez na karapatan pa rin ng gobyerno, sa ilalim ng Price Act na palitan ang price ceiling kung kinakailangan.
“If we see the range [is] 20 percent higher than what is should be,” ani Lopez nang hingin ang kanyang precondition bago payuhan si Pangulong Duterte na magpataw ng price ceiling sa ilang pangunahing bilihin. Tinukoy niya ang isda, manok at karne ng baboy na mga produkto na kasalukuyang binabantayan ng trade at agriculture officials para sa posibleng pagmanipula sa presyo.
“They [prices] are the same, but we monitored the farm gate prices going down. So the P140 per kilo for chicken should be about P130 already,” paliwanag pa niya.
“Pork is stable at around P220 to P230 per kilo, but should be around P230 already. Prices, nonetheless, are sticky downward,” dagdag pa ng DTI chief. ELIJAH FELICE ROSALES
Comments are closed.