NANGAKO kahapon ang Pangulong Rodrigo Duterte na darating sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal ang ayuda ng gobyerno hanggang sa huling sentimo.
Tiniyak ito ng Pangulo kasunod ng paghiling sa Kongreso na madaliin ang pagpasa sa P30 bilyon na pondo para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan.
Sinabi ng Pangulo na mayroong pending na resolusyon sa Kongreso para maglaan ng P30 bilyong pondo para sa mga biktima ng Bulkang Taal.
Sakaling kulangin ang pondo ng gobyerno ay hihiling ang Pangulo sa national treasurer na maglabas ng pondo.
Ang P30 bilyong pondo, ayon sa Pangulo ay nais niyang gawing P50 bilyon para maisama na ang pagpapagawa ng mga evacuation center sa mga probinsiya ng Isabela, Samar at iba pang lugar na nakaharap sa Pacific Ocean.
Nakababahala aniya ang sitwasyon ng mga evacuee sa tuwing may bagyo.
Ipinaliwanag pa ng Pangulong Duterte na ang pondo ngayong 2020 ay naihanda na noong nakaraang taon pa at hindi pa kasama rito ang para sa mga biktima ng Bulkang Taal kaya kailangang maipasa ito ng mga mambabatas. A ANOC
Comments are closed.