UMAARAY na ang hog raisers na taga-Bacoor, Cavite na nasapol ng African swine fefer at pina-ngakuan na bibigyan ng tulong pinansiyal ng gobyerno.
Daan-daang baboy ang pinatay sa Bacoor City, Cavite noong Nobyembre 2019 para maiwasan ang pagkalat ng ASF kasabay ng pa-ngako ng pamahalaan na bibigyan ng ayuda ang mga masasapol na hog raisers.
Pero dumaan na ang ilang buwan ay hindi pa rin umano nakararating ang kabuuan ng perang inaasahan ng mga magbababoy.
Ayon sa mga magbababoy, nakuha na nila ang tulong mula sa Bacoor City Hall at Cavite Provincial Government na tig-P2,000 kada baboy, pero ang galing sa Department of Agriculture (DA) na P5,000 kada baboy ay wala pa rin.
Nalulungkot ang mga hog raiser at isa sa kanila ang nagkuwento na 46 baboy niya ang isinailalim sa culling operation kontra ASF. Pero Pebrero na, hindi pa rin kumpleto ang bayad sa kanila.
“Panawagan ko sa gobyerno sana asikasuhin naman nila kasi hirap na hirap na kami,” pahayag nito.
Salaysay naman ng isa pang magbababoy na 15 alagang baboy ang kinumpiska at pinatay, naghihintay pa rin siya ng tulong sa gobyerno.
“Nangangailangan din kami. Baon na sa utang. May estudyante rin kami,” sabi niya.
Ipinaliwanag naman ng DA-Calabarzon, dumaraan sa masinsinang proseso kaya hindi pa kumpleto ang ayudang galing sa na-tional government.
“May pera naman para mabayaran as promised by DA Secretary William Dar. Kailangan lang dumaan talaga sa bureaucratic process kasi we have to remember this is government money and we have to be accountable,” pahayag ni DA Calabarzon regional executive director Arnel de Mesa.
Ayon naman sa tagapagsalita ng DA, posibleng sa susunod na linggo dumating na ang budget para sa mga hindi pa nabigyan ng nasabing ayuda sa mga hog raiser.
Comments are closed.