(Pangakong maisasakatuparan ni PBBM sa pagbabalik mula US) PAGBANGON NG EKONOMIYA, SAPAT NA PAGKAIN

TUMULAK kahapon ng umaga si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. para dumalo sa ika-77 session ng United Nations General Assembly na gaganapin sa New York sa Estados Unidos.

Kumpiyansa si PBBM na sa kanyang pagbabalik mula sa Estados Unidos ay maisasakaturapan niya ang pangakong economic recovery, food security at pagpapalakas agrikultura.

Aniya, ang pakikipagkaibigan sa ibang bansa ay magpapalakas ng alyansa ng Pilipino at makatitiyak na may positibo itong resulta para sa pamumuhay ng lahat.

Bukod sa pakikipag-one-on-one meeting kay US President Joe Biden, marami pang bilateral meetings at business engagements ang dadaluhan ng Pangulong Marcos.

Ipapaalam niya sa iba’t ibang lider ang pananaw ng kanyang administrasyon na nakapokus sa pagsulong ng bawat Pilipino at pamumuhay sa pamamagitan ng pagbangon ng ekonomiya, sapat na pagkain at produktibong agrikultura.

Ang tema ng 77th UN General Assembly ngayon ay “A watershed moment: Transformative solutions to interlocking challenges” ay napapanahon lalo na nasa hamon tayo mula sa pandemya.

Sa kanyang pagharap sa mga lider na kasapi ng UN sa Setyembre 20, sentro ng kanyang talumpati ang prayoridad ng Pilipinas at ang mga ito ay pagbangon ng ekonomiya na pinadapa ng pandemya, sapat na pagkain at pagpapalakas sa agrikultura.

“Taking this into account, I will, one, share the Philippines’ vision in people-centered development, highlighting our administration’s thrust for economic recovery, food security, and agricultural productivity,” bahagi ng pre-departure speech ni PBBM.

Kabilang sa makakausap ni PBBM si UN Secretary General António Guterres at mga lider na matagal nang kaalyado ng Pilipinas.

“ I will discuss with them opportunities for stronger cooperation in food security, agriculture, renewable energy, and climate change which are among the key priorities of this administration,” dagdag ni PBBM.

Tampok ang paglalahad ng Pangulong Marcos ng kanyang national statement kung saan ay kanyang babalangkasin ang mga inaasahan na pakikipagtrabaho sa mga bansang kasapi ng United Nations at ang papel na gagampanan ng Pilipinas at magiging kontribusyon nito tungo sa mas pinalakas na international system.

Dadalo rin si PBBM sa iba’t ibang business meetings para pumasok sa mga kasunduan na makatutulong sa ekonomiya ng bansa.

“We affirm the country’s commitment to the ideals of the UN, citing its contributions to peaceful settlement of disputes and of international law and the highlighting the importance of the UN in fostering international dialogue and cooperation” ayon pa sa Pangulo.

“I will be joined in these meetings by key private sector representatives who have been and will continue to be our partners in this endeavor. More vibrant PPPs will allow us to achieve the better normal that we all aspire for,” ayon sa Pangulo.

Bahagi rin ng itinerary ni Marcos ang makaharap ang Filipino community sa Estados Unidos habang kanya ring inaasahan na mayroong lalahok na Filipino mula sa Canada at kaniyang pasasalamatan ang mga ito sa pagsuporta sa kanya at sa kanyang pamilya.

“I am told our kababayans as far as from Canada will participate in this gathering. It will be my chance to thank for their support, affirm their important role in the continuing work of nation-building and strengthen our cooperation on matters that redound to the benefit of Filipinos here at home and abroad,” dagdag pa ng Pangulo.

Ang Pangulo ay ginawaran ng departure honors sa Ninoy Aquino International Airport at hinatid ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan sa pangunguna ni Vice President Sara Duterte na siyang magsisilbing caretaker muli habang nasa ibang bansa ang punong ehekutibo.

Kasama sa delegasyon ni Pangulong Marcos ang 12 niyembro ng kanyang gabinete sa pangunguna ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Benjamin Diokno at Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan. EVELYN QUIROZ