AGAD pinawi ni Dr. Luz Tabora, OIC ng Provincial Agriculture Office ng Ilocos Norte, ang pangamba ng mga magsasaka dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.
Ito ay makaraang may mga pananim na palay ang lubog sa baha katulad na lamang sa mga bayan ng Dingras at Solsona.
Ayon kay Tabora, mangilanngilan pa lamang ang mga pananim na palay ang namumulaklak at karamihan ay hindi pa katagalan na naitanim.
Sinabi nito na kung hindi pa namumulaklak ang mga ito kahit na nakababad sa tubig ulan ay hindi ito masisira dahil hindi naman tuloy-tuloy ang pag-ulan.
Matatandaang halos mag-iisang linggo nang nakakaranas ng ulan ang lalawigan dahil sa habagat. BENEDICT ABAYGAR, JR.