PANGAMBA SA ISDANG PLASTIC PINAWI NG BFAR

ISDANG PLASTIC

PINAWI ang pangamba ng publiko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng Department of Agriculture hinggil sa pagkalat  umano ng mga isdang may balot ng plastic na naging viral video sa social media kamakailan.

Sa  panayam ng PILIPINO Mirror kay BFAR National Director Eduardo Gongona, nilinaw nito na hindi plastic ang naka-cover sa mga isda gaya ng kumakalat na galunggong, sapsap at iba pa na ipinakikita ng ilang netizens kundi bahagi pa rin ito ng balat ng isda na kanilang proteksiyon na pinani-niwalaang nagmula pa sa malalamig na bansa.

Aniya, “imposibleng balutin ng mga plastic isa-isa ang mga isda na ‘yan, malalaman din ng mamimili na plastic ‘yan ‘pag nagbago ang hitsura at lasa ng isda kapag itoy niluto.”

Ipinaliwanag pa ni Gongona na ang mga napabalitang isda na nag-viral na maaaring nagmula pa sa China ay posibleng galing sa Northern at Sourthern part ng Japan kung saan aniya  ito ay normal lamang na bahagi ng balat ng isda na  makapal ang balat na mistulang napagkakamalan ng pub-liko na plastic dahil sa kakaibang hitsura  na isang natural na pagbabago lamang sa isda dahil nagmula ito sa malalamig na bansa.

Samantala, hindi naman isinasantabi ng BFAR ang  naturang ulat at sa halip ay lalo pa aniyang pinaigting  ng ahensiya  ang pagmo-monitor ng ka-nilang mga tauhan para may makumpiska at masuri ang mga pinaghihinalaang mga isdang nagtataglay ng plastic sa balat.

Hinikayat naman ni Gongona ang mga mamimili na i-report agad at magtungo sa tanggapan ng BFAR upang malalimang masuri ng kanilang tang-gapan kung totoo ang kumakalat na plastic na mga imported na isda. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.