(Pangamba sa privatization) LIBONG WORKERS SA NAIA MAWAWALAN NG TRABAHO

NAIA

MAHIGIT  sa isang libong miyembro ng Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) ang mawawalan ng trabaho kapag itinuloy ng pamahalaan ang privatization ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Andy Barcasio, pangulo ng SMPP, ang mga mawawalan ng trabaho ay mga kawani na nakatalaga o may kinalaman sa ground operations at maintenance ng NAIA.

Batay sa impormasyon na nakalap, isa sa mga interesadong sumali sa bidding ay ang Asian Development Bank (ADB), at kasalukuyang pinaplantsa ng kompanyang ito ang terms of reference (TOR).

Nakatakdang isumite ang TOR sa darating na June 2024, at kasabay nito pina-finalize rin ang ibat-ibang requirements bilang pagsunod bago sumali sa bidding process.

Matatandaan na unang itinakda ng Department of Transportation (DOTr) ang bidding noong August 23, 2023, ngunit ipinagpaliban ito sa hindi maliwanag na kadahilanan.

Mariing tumututol ang libong mga manggagawa dahil wala sa usapan ng dalawang panig ang kanilang security of tenure. FROILAN MORALLOS